(Midsyap,
North Cotabato/ September 19, 2013) ---Pinangunahan kamakalawa ni North
Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan ang turn- over ceremony ng dalawang
bailey- type bridges sa ilalim ng proyektong ‘Tulay Para Sa Kapayapaan’ sa
Midsayap, North Cotabato.
Ginawa ang
seremonya sa Purok Rosas, Barangay Poblacion 8 at sa Barangay Lagumbingan dito
sa bayan.
Abot sa
higit P150,000 ang kabuuang halaga ng dalawang tulay.
Ang
implementasyon ng proyekto ay magkatuwang na itinaguyod ng Department of Public
Works and Highways o DPWH Cotabato Second District Engineering Office at ng
tanggapan ng kongresista.
Nabatid na
tumulong din ang pamahalaang pambarangay sa pamamagitan ng pagsagot sa project
labor.
Lubos ang
pasasalamat ni Poblacion 8 Barangay Chairperson Eduardo Doletin sa pagtugon ng
mga ahensya ng gobyerno upang maipatupad ang proyekto sa kanilang lugar.
Aniya, ang
nasabing tulay ay pakikinabangan ng limampung pamilya.
Samantala,
inihayag naman ni Parents and Teachers Association o PTA President Sherwin
Utlang na malaking tulong ang tulay na ginawa sa harap ng Joaquin Mostrales
Elementary School sa Barangay Lagumbingan lalung- lalo na sa mga mag-aaral at mga guro ng nasabing
paaralan.
Matagal na
umano nilang pinapangarap na mapalitan ang lumang tulay sa harap ng kanilang
paaralan na nanganganib na ring masira. (Roderick Rivera Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento