(Amas, Kidapawan City/ September 19, 2013)
---Pinasalamatan ngayon ng PNP Cotabato ang pagiging alerto at mapagmatyag ng
taong bayan partikular na sa mga kahina-hinalang mga tao at gamit sa paligid.
Ito ang naging pahayag ng pulisya sa
nangyaring bomb scare sa Amas, Kidapawan City.
Matatandaan na nagdulot ng halos isang oras
na pagkabalam sa maraming pasahero at motorista ang natagpuang hinihinalang
bomba sa loob ng isang kahon na iniwan sa harapan ng gate ng Provincial
Capitol.
Makalipas ang isang oras ay dumating ang
may-ari ng kahon na kinilalang si Fe Mendoza, residente ng Amas Capitol Homes.
Ayon kay Mendoza, nagulat siya nang marinig
ang balita na may bomba sa harap Capitol Complex kaya't agad siyang bumalik'.
At doon niya nakumpirma na sa kanya ang
kahon ng prutas na pinaghinalaang may lamang bomba.
Sinabi ng Ginang na iniwan nito pansamantala
angt nasabing kahon na may lamang rambutan para kunin ang iba pa niyang gamit
bago siya tutungo sana ng Lungsod ng Heneral Santos. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento