Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Death squad sa Kabacan, pinabulaanan ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ September 18, 2013) ---Walang katotohanan ang umuugong na report na may kumakalat diumanong death squad sa bayan ng Kabacan upang lumipol sa mga kriminal.

Ito ang sinabi ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sa isyung lumabas matapos na mabaril at mapatay ang ilan sa mga may nauna ng criminal record na mga biktima sa Kabacan kamakailan.

Ayon sa opisyal, posibleng personal grudge o onsehan sa kanilang grupo ang motibo sa ilang kaso ng pagpatay sa lungsod.

Aniya, may mga inilatag na umanong hakbang si Mayor Herlo Guzman Jr., para sugpuin ang kriminalidad sa bayan.

Sinabi ni Mayor Guzman na dapat ay masunod ang wastong pagpapatupad ng batas at hindi kinakailangang kumitil ng buhay kasabay ng kanyang panawagan na magkapit bisig para sa ikaunlad ng Kabacan at makiisa sa mga otoridad sa pagsugpo ng krimen. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento