Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kuya binaril ang kapatid sa Kabacan, Cotabato; patay!

(Kabacan, North Cotabato/ November 23, 2012) ---Dead On Arrival sa USM Hospital ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang maaksidenteng mabaril ng kanyang sariling kuya sa Plang Village, Poblacion, Kabacan, cotabato alas 9:25 ng umaga kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Smith Sangkupan, 16-anyos, out of school youth at resident eng Sitio Agpa, Kayaga ng bayang ito.

Panibagong tulak-droga, tiklo ng Kabacan PNP sa isang buybust operation ngayong hapon


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Arestado ng mga elemento ng Kabacan PNP ang isang tulak droga sa National Highway, partikular sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 2:30 ngayong hapon.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek sina P/Insp. Tirso Pascual, head ng Task Force Krislam, P/Insp. Rolando Dillera at P02 Michael Yambao kungsaan nasakote nila ang isang Mernie Sangginis, 26-anyos at residente ng Jacinto St., Poblacion ng bayang ito.

Panibagong insedente ng Nakaw-Motorsiklo naitala ng Kabacan PNP ngayong hapon lamang


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Tinangay ng di pa nakilalang suspek ang isang kulay pulang Yamaha Crypton na nakaparada sa harap ng Amplayo Grocery Store na nasa Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 2:30 ngayong hapon lamang.

Kinilala ni P/Insp. Rolando Dillera ang may anak ng nasabing sasakyan na si Russel Jade dela Pena, residente ng Sinamar, Poblacion ng nabanggit na lugar.

“Liwanag sa Bayan ng Kabacan Contest”, ilulunsad ngayong kapaskuhan


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Hinihikaya’t ngayon ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang lahat na mga Kabakenos, partikular na ang mga negosyante at maging nasa pribado at pampublikong sektor na sumali sa “Liwanag sa Bayan ng Kabacan contest” na magsisimula ngayon buwan ng Disyembre hanggang a-31.

Ayon kay Tourism Focal Person Sarrah Jane Guerrero layon ng nasabing patimpalak na gawing mas kumukutikutitap at makulay ang kapaskuhan para maramdaman ang spirit of Christmas at para makilala rin ang Kabacan na isa sa pinakamagandang tourist destination sa North Cotabato.

Rehabilitation at Concreting ng Farm to Market Road sa 2 mga barangay ng Kabacan, nagpapatuloy


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Target ngayon ng Kabacan Municipal Planning and Development Office na matatapos ang Rehabilitation at concreting ng Farm to Market road sa brgy Aringay at Nangaan sa buwan ng Enero sa susunod na taon.

Ito batay sa inilabas na report ni Municipal Engineer Noel Agor hinggil sa nasabing proyekto.

Abot sa 14.83 kilometro ang haba ng nasabing Farm to Market road para sa mga brgy: Aringay, Salapungan, Pedtad, Buluan at Nangaan.

Mga mag-aaral ng USM na hindi pa nakapa final screening, bibigyan ng hanggang Biyernes na lamang –ayon sa VPAA


(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Nababahala kahapon si USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon sa malaking bilang ng mga mag-aaral ng USM na hindi pa nakapag-final screening.

Ibig sabihin nito, hindi pa officially enrolled ang nasabing mga estudyante o hanggang assessment lamang ang kanilang naiproseso.

Mga Personnel ng Kabacan PNP, sumailalim sa Annual Regular Inspection


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Sumailalim kahapon sa Annual Regular Inspection ang mga personnel ng Kabacan PNP sa pangunguna ng National Police Commission o Napolcom Regional Office 12.

Ayon kay Napolcom Provincial Officer PI Arturo Caballero, ang nasabing taunang inspeksiyon ay bahagi ng accounting sa mga pulis kung ang mga ito ay sumususnod sa tuntunin, tamang pagbibihis ng uniporme at kung ang mga ito ay nasa tamang duty nila.

Zoning Ordinance ng Kabacan planung ihahabol ng MPDC sa Sanggunian bago matapos ang taon


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Bagama’t gahol na sa oras nais ngayong ihabol ng pamunuan ng Kabacan Municipal Planning and Development Office sa Sangguniang bayan ang Zoning Ordinance ng Kabacan.

Ito para makabuo na ng bagong Comprehensive Land Use Planning ang bayan.

Pero sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Zoning Officer Florida Sabutan na dadaan pa muna sa masusing pagsisiyasat ang nasabing ordinansa bago ito maisalang sa unang pagbasa.

3 katao, arestado sa raid ng Midsayap PNP

(Midsayap, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Arestado sa isinagawang raid ng Midsayap PNP ang tatlo katao dahil sa paglabag nito sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 sa bayan ng Midsayap.

Nanguna sa nasabing search raid sina Supt. Joseph Semillano, hepe ng Midsayap PNP at PSI Henry Narciso, intelligence Operative at natiklo ang mga suspek na sina Nanimbong Panayaman alias Ilang Panayaman, 30, binata residente ng Sitio Dampa, Poblacion 7, Midsayap, North Cotabato.

2 mga Pinaniniwalaang pampasabog, narekober sa highway ng Kidapawan City


(Kidapawan City/November 20, 2012) ---Narekober ng mga otoridad ang dalawang mga pinaniniwalaang improvised landmines na nakasilid sa 2 mga malalaking lata sa boundary ng barangay Marbel at Mateo, Kidapawan City alas 7:00 kaninang umaga.

Ayon kay Supt. Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na nakilalang si Leonardo Podadera ang nakakita ng nasabing explosives na nakalagay ilang talampakan lamang ang layo mula sa highway.

Mahigit sa 9 na raang mga estudyante ng USM na hindi pa nakapag-final screening; pinaalalahanan na asikasuhin na ang enrollment hanggang ngayong Biyernes na lamang


(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Sinabi ngayong umaga ni USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon na abot sa 988 na mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao ang hindi pa nakapag-final screening para sa kanilang enrollment sa unibersidad.

Ibig sabihin nito, hindi pa officially enrolled ang natukoy na bilang ng mga estudyante o hanggang assessment lamang ang kanilang naiproseso.

Binibining Midsayap 2012 hopefuls, nagpasiklab ng kanilang talento at ganda


(Midsayap, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Naging masaya ng ginawang Talent Night & Haute Couture show ng 2012 Binibining Midsayap pageant nitong Linggo, November 18 ng taong kasalukuyan.

Siyam ng naggagandahang kalahok ang nagpakita ng kanilang angking talento tulad ng pagsasayaw, pag-awit, pagpinta, at iba pa.

Kasabay din sa pinaglabanang kasuotan kagabi ay ang Haute Couture dress na inspirado ng one town one product ng Midsayap na mangga.

USM namayagpag sa iba’t-ibang mga patimpalak ng Kalimudan 2012 sa Sultan Kudarat


(Sultan Kudarat, November 20, 2012) ----Itinanghal na kampeon sa kabuuan ang University of Southern Mindanao sa katatapos na “Farms and Industry Encounters Through the Science and Technology Agenda” na ginanap sa lalawigan ng Sultan Kudarat noong Nobyembre a-16 hanggang 17.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Kalimudan Festival na may temang “Sustaining Science and Technology thru Partnership” ng iba’t-ibang ahensiya kagaya ng Cotabato Agriculture and Resources Research and Development Consortium-Philippines o CARRDEC, Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development o PCARRD at ng provincial government ng Sultan Kudarat.

Kabacan PNP, muling nagpaalala sa mga may ari ng motorsiklo na maging maingat at vigilante matapos mataas na kaso ng nakawan sa bayan


(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Muling nagpaalala ang pamunuan ng Kabacan PNP sa mga may ari ng motorsiklo na maging maingat at vigilante dahil sa dumaraming kaso ng nakawan ng motorsiklo sa bayan.

Ang pinakahuli dito ay nangyari alas 12:40 ng tanghali noong Sabado kungsaan natangay ang isang kulay puting Honda XRM-125 motorcycle ni Mosa Yosup, 21-anyos, magsasaka, binata at resident eng Pagagawan, Maguindanao.

Mahigit sa 3Megawatts na supply ng kuryente kulang ng NPC/PSALM sa Cotelco dahilan ng mahabang brown-out sa service erya nito


(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Umaabot sa mahigit sa 3 megawatts ang kakulangan ng supply ng kuryente sa Cotabato Electric Cooperative o cotelco Main dahilan ng mahabang brown-out na nararanasan sa mga service erya nito.

Ito ayon kay Cotelco General Manager Godofredo Homez, aniya ang kinokontrata ng cotelco mula sa NPC ay 19megawatts bawat buwan at dagdag na 8megawatts mula sa therma Marine Incorporated o TMI katumbas na 27megawatts para sa cotelco main.

Warning siren o alarm bell; ilalagay ng Makilala LGU sa mismong municipal hall sa unang bahagi ng 2013 para sa disaster preparedness

(Makilala, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Maglalagay ng warning siren o alarm bell ang Makilala LGU sa mismong municipal hall sa unang bahagi ng 2013.
     
Ayon Makilala Mayor Rudy Caogdan, bahagi ito ng action plan ng LGU para sa kanilang disaster preparedness program.
     
Sinabi ng alkalde na kayang abutin ang abot sa 40-kilometer radius ng ilalagay na alarm bell.