Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Cave; isa sa mga tourist attraction ng North Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 18, 2012) ---Maituturing ngayon ang Kabacan Cave sa pinakamagandang Tourist attraction hindi lamang sa North Cotabato kundi maging sa buong South Central Mindanao dahil sa kakaiba nitong mga stalactites at stalagmites na makikita sa loob ng kweba.

Cotelco at EDC “deadlock” pa sa rate ng generation charge sa Mt. Apo 3 Geothermal Plant na itatayo

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 18, 2012) ---Wala pang kongkretong rate na napagkasunduan ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco at ng Energy Development Corporation hinggil sa bagong rate na proposal ng EDC sa bagong planta na kanilang itatayo sa Mt. Apo 3 Geothermal Plant.

Sa panayam ng DXVL - Radyo ng Bayan kay Cotelco General Manager Godofredo Homez, nagbigay umano
ng proposal na 5.33/kilowatt hour ang EDC sa Cotelco na bagay namang inayawan ng Cotelco dahil base sa kanilang isinagawang feasibility study ay dapat 4.25/kilowatt hour lang ang rate na dapat sisingiln ng EDC sa Cotelco para sa kanilang generation charge, na di naman kapwa sinang-ayunan ng dalawang kampo.

Hanggang sa umabot sa presyo na 4.95 kada kilowatt hour basta, ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ay walang rate increase hanggang sa susunod na sampung taon.

Ikalawang parangal sa 9th National Science Quest, nasungkit ng USM- ULS student

Written by: Delfa Vanea Cuenca

Nasungkit ni Jamaica Bea Enock, isang 4th year ULS student ang ikalawang parangal sa isang presteryosong kompetisyong 9th National Science Quest na may temang “ SCIENCE AND TECHNOLOGY ADVANCEMENT, ENHANCING QUALITY OF LIFE NEW AND BEYOND”sa kategoryang, Science Investigatory Project na ginanap

Granada natagpuan sa rice mill sa Tacurong City, Sultan Kudarat

(Tacurong City, Sultan Kudarat/February 18, 2012) ---Isang granda ang natagpuan sa isang rice mill sa Tacurong City, Sultan Kudarat, kamakalawa.
         
Ayon kay Senior Inspector Jojet Ferrer, intelligence officer ng Tacurong City PNP, isang M26 hand fragmentation grenade ang iniwan sa likurang bahagi ng Nissan pickup truck na may plakang LCW 553, alas-1030 ng umaga, noong Huwebes.

Ang truck ay nakaparada sa harap ng rice mill na pag-aari ng isang Beverly Digal ng Purok Kabugwason, Barangay Kalawag-Uno sa Tacurong City.

Agad humingi ng police assistance si Digal.

Sa pagdating ng mga elemento ng Explosives and Ordnance Disposa Team, agad nila’ng tinanggal ang safety lever ng Granada.

Budget ng isang LGU sa North Cotabato; di pa aprubado

(Magpet, North Cotabato/February 18, 2012) ---Hanggang sa ngayon ‘di pa naaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Magpet ang inihaing budget ng executive department para sa taong 2012.



Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, matagal nang ipinasa ng Budget Office ng Magpet LGU ang 2012 budget sa SB pero hanggang sa ngayon di pa ito aprubado.

Noong Huwebes, pinulong umano ni Magpet Mayor Efren Pinol ang mga job order employees, contractual workers, at mga midwives at ipinaliwanag sa mga ito na ang sahod nila nakadepende sa budget.

Pinulong din kahapon ni Pinol ang mga kapitan ng barangay patungkol sa isyu.

1 akusado umamin sa kinasasangkutang kaso; 2 naman inabswelto ng hukuman

(Kabacan, North Cotabato/February 17, 2012) ---Dahil sa pag-amin ng mababang kaso (plead guilty to a lesser offense) ng paglabag sa section 1, paragraph (d) ng Presidential Decree No. 1602, hinatulan ni Judge Laureano Alzate ng Regional Trial court branch 22, Kabacan, Cotabato si Rebecca De Juan Abellera ng apat na taong pagkakabilanggo.

Iniutos ni Judge Alzate ang pagkumpiska ng gambling paraphernalia ng last two numbers games na tinaguriang game of chance kasama ang P520.00 na bet money na kinumpiska ng mga pulis officer mula sa...

Ika-4 na buwang paggunita sa kamatayan ni Fr. Pops; gugunitain ng mga progresibong Kabataan ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/February 17, 2012) ---Makikiisa ang mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan sa ika-4 na buwang paggunita sa kamatayan ng isang italyanong misyonaryo sa pangunguna ng IDOL KO si Fr. Pops Movement.

Fr. Fausto Tentorio
Isang cultural production cum candle lighting ceremony  ang lalahukan ng mga grupong ANAKBAYAN, Liga ng Kabataang Moro, Gabriela youth, League of Filipino Students, Student Christian Movement of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines at Kabataan partylist ngayong araw ng biyernes, ika-17 nitong buwan, sa bayan ng ARAKAN.

Ayon kay Darwin Rey Morante tagapagsalita ng grupong ANAKBAYAN wala na diumano ang kinang ng dilaw na pamumuno at tuluyan ng nahuhubdan ang huwad na programa nito sa pagsagot sa tunay na kapayapaan.

Terminal Fees sa Kabacan Complex Terminal; bumaba

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 17, 2012) ---Ikinabahala ngayon ng mga Sanguniang bayan members ang pagbaba ng collection fees ng Kabacan Complex Terminal.

Abot kasi sa 13% diumano ang ibinaba ng koleksiyon nila ngayong buwan mula sa dating P13,000 noong January ngayon ay kulang-kulang P10,000 na lamang ito. 

Vice Mayor Policronio Dulay
Ito ayon kay Vice Mayor Policronio Dulay, dahil sa maluwag umano ang pag-implemanta ng KTC Ordinance sa bayan kungsaan malayang nakapag-pick up ang mga kolurom na sasakyan kagaya ng L300 Van ng mga pasahero sa National Highway.

Ang masakit pa, sobra-sobra din na magsingil ang mga tricycab o tricycle na bumibiyahe sa Terminal sa Kayaga, na ayon sa opisyal ay parang walang ngipin ang batas na pinapanday nila dahil sa hanggang ngayon ay problema pa rin ang mataas na singil papuntang terminal.

Kaya, hiling ng bise alkalde kay Kabacan Mayor George Tan na maglagay na ng Action center bilang silbing sumbungan ng mga public commuters na sumisingil ng sobra-sobra sa isinasaad ng batas.
Samantala, si Kabacan Vice Mayor Pol Dulay na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw sa panayam ng Radyo ng Bayan

Pagpapa-ayos ng slaughter House ng Kabacan; ipinanukala ng isang opisyal

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 17, 2012) ---Iginigiit ngayon ni ABC Pres. Herlo Guzman, Jr. sa Sanggunian ang pagpapaayos ng slaughter House sa bayan ng Kabacan matapos ang nakikita nitong problema lalo na sa kakulangan ng nilulunluban ng mga kinatay na mga hayop.

ABC Pres Kapt. Herlo Guzman, Jr.
Anya napapanahon na umano para ayusin ang nasabing slaughter house, isa sa mga itinuturing na halal sa buong North Cotabato dahil hiwalay ang pagkatay ng baboy at large cattles dito. 

Ayon pa kay Guzman, kulang ang kawa na nilulutuan ng mga matador ng slaughter house kaya’t kinakailangan na ang improvement sa naturang establisyimento.

Ang nasabing panukala ay inihayag ng opisyal sa regular na session ng mga lokal na mambabatas ng bayan kungsaan, kinatigan rin ito ni vice Mayor Pol Dulay.

Maliban dito, tinalakay din sa session kanina ang matagal ng problema sa National Highway ng Kabacan ang mga illegal na terminal na naging dahilan diumano ng pagbaba ng koleksiyon ng terminal fee, ayon pa kay Vice Mayor Policronio Dulay.


Libu-libong mga Day Care Children nabibiyayaan ng Supplemental Feeding sa Kabacan


Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 17, 2012) ---Abot sa 1,372 na mga day care children mula sa 24 na mga barangay ng bayan ng Kabacan ang nabiyayaan na ng papatapos na programa ng pamahalaang nasyunal na supplemental feeding program.

Sinabi sa DXVL –Radyo ng Bayan ni Nutrition Officer Virginia Solomon na nagkakahalaga sa mahigit kumulang sa isang milyon ang inilaang pondo sa pagpapatupad ng nasabing programa. 

Bagama’t magtatapos na ang Supplemental Feeding sa darating na Marso a-13 ng taong kasalukuyan, umaasa naman si Solomon na magpapatuloy ang nasabing programa dahil sa malaking tulong nito lalo na sa mga liblib na lugar ng bayan.

Naniniwala ang opisyal na hindi lamang ito supplemental feeding kundi nagsisilbi na ring pantawid pagkain ng mga batang mahihirap.

Layon rin ng programa na mabigyang pansin ang kaso ng mal-nutrisyon dito sa bayan ng Kabacan hinggil sa mga batang mababa ang timbang o malnourish.

Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office at ng Population Division.

Mga kolurom at walang lesensiyang pampasaherong sasakyan; muli na namang naglipana sa Kabacan

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 16, 2012) ---Muli na namang naglipana ang mga kolurom na sasakyan kagaya ng L300 Van dito sa bayan ng Kabacan.

Ito ang napag-alaman mula kay Councilor Reyman Saldivar matapos na nag-hain ito kanina ng panukala sa Sanggunian na mas lalo pang higpitan ang pagpapatupad ng traffic ordinance at guidelines sa bayan.
Ito ay upang mabigyan ng ngipin ang batas na nagbabawal sa mga illegal na terminal sa mga National Highway ng Kabacan. 

Dahil dito, nababahala na umano ang komite sa paglipana ng mga kolurum na mga sasakyan at sa posibleng magbaba na rin sa koleksiyon ng Kabacan Complex Terminal na siya ngayon, ginagawan na ng solusyon ng mga mambabatas.(with report from Efrily Lao)

Civil Registrar’s Office ng Kabacan; magbibigay ng isang araw na FREE Registration


Written by: Rhoderick Beñez

Bilang bahagi ng Civil Registration Month ngayong buwan ng Pebrero magbibigay ng libreng isang araw na FREE registration ang civil registrar’s Office ng Kabacan sa mga mamamayan nito.

Ito ang sinabi ni Kabacan Civil Registrar Officer Gandy Mamaluba, kungsaan kabilang sa libreng registration na kanilang ibibigay ay ang issuance ng Birth Certificate, Marriage Certificate at lahat ng klaseng certification.

Sa ngayon nagpapatuloy naman ang kanilang free registration para sa mga beneficiaries ng 4P’s sa Kabacan.

Nabatid na abot sa 1,184 ang nakapagregister ng kanilang birth certificate sa kasalukuyan, ayon kay Mamaluba. 

Pagtakas ng tatlong preso sa M’lang PNP, planado; pero para kay Mayor Piñol walang katotohanan


Written by: Rhoderick Beñez

(M’lang, North Cotabato/February 16, 2012) ---Kung si M’lang Mayor Joselito Piñol ang tatanungin, wala umanong katotohanan ang ibinunyag ni Tasly Sanoy Ulimpain, isang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na miyembro ng Police Auxiliary ang umano nasa likod ng pagtakas ng tatlong mga preso sa selda ng M’lang PNP noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Ulimpain na isang nagngangalang Tol ang nagplano ng kanilang pagtakas.  

Ito rin umano ang kumuha ng susi sa M’lang PNP para buksan ang kandado ng selda kung saan sila nakakulong.

Pero, sa naging pahayag ni Mayor Piñol sa DXVL-Radyo ng Bayan, bersyon lamang umano ito ni Talsy dahil may naka-pending pa itong warrant of arrest hinggil sa kaso nitong carnapping at palabas lamang nila ito para sila kausapin ng alkalde.

Dagdag pa ng opisyal na pinatakas umano sila para i-salvage, pero di naman sila pinatay.

Maging si M’lang municipal police chief, Supt. Reynante delos Santos, ay todo tanggi rin sa alegasyon ni Ulimpain na may alam ang pulisya sa pagpuga ng mga ito.
         
Sa ngayon, balik na sa kanilang kampo sa isang barangay sa bayan ng M’lang si Ulimpain, kasama ang isa pang preso na pumuga na nagngangalang Nasser. Ang dalawa ay may kinakaharap na kasong carnapping at illegal possession of firearms.

12 barangay sa Kidapawan city nakatanggap ng firlinglings na tilapia mula sa City agriculture office


Labin dalawang mga barangay sa Kidapawan city ang nakatanggap ng mga tilapia fingerlings mula sa City Agriculture Office.
         
Ginawa ang distribusyon ng fingerlings noong February 10 sa hatchery project ni City Mayor Rodolfo Gantuangco.
         
Kabilang sa mga tumanggap ang mga mangingisda mula sa mga barangay ng Macebolig, San Roque, San Isidro, Amazion, Linangkog, Ginatilan, Paco, Singaw, Katipunan, Poblacion, Binoligan, at Santo. Nino.
         
Sinabi ni Rosie Gapasin, city fishery coordinator, layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga fisher-folk para sa kanilang income generating project. Sa bawat recipient ng bawat Barangay ay makaka-tanggap ng limamg-daan na mga fingerlings tilapia.

Batang ginilitan sa leeg, natagpuang patay

(Koronadal City/February 16, 2012) ---Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa bayan ng Norala, South Cotabato sa 10 taong gulang na bata na ginilitan sa leeg at napagpuan na lamang na bangkay sa Purok Roxas, Barangay Lopez Jaena ng nasabing lugar.

Kinilala ang biktima kay Ariel Estador Gallego isang grade 3 pupil sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nakita na lamang ang biktima ng kanyang nakakatandang kapatid na si Arnold Estador sa manggo plantation na malapit sa ilog na wala nang buhay at naliligo pa sa sariling dugo.

Napag-alaman na inutusan umano ang biktima ng kanyang ama na kunin ang kanilang kalabaw na ipinastol sa tabi ng kanilang paaralan ngunit hindi na ito naka-uwi hanggang nakita na lamang ito na wala ng buhay.

Sa ngayon, inaalam na ng mga otoridad kung anu ang motibo ng nasabing krimen. (with report from Luz Cartagena Balancio & Gerlie Narciso)


Graduation ng School-on-the-air Enrollees sa Programang Agrieskwela, Gaganapin ngayong araw sa Provincial Capitol Gymnasium sa Amas, Kidapawan City


(North Cotabato/February 16, 2012) ----Nakatakdang gagawin ngayong araw ang graduation ng school-on-the-air enrollees sa programang Agrieskwela sa sa Provincial Capitol Gymnasium sa Amas, Kidapawan City. Humigit-kumulang 300 graduates ang magtatapos sa araw ng huwebes.

Matatandaang nagsimula ang School-on-the-air noong November 26, 2011 at nagtapos noong January 8, 2012 sa radio station sa USM Kabacan- ang DXVL FM Radyo ng Bayan.

Magiging guest speaker sa nasabing okasyon si Dr. Asterio P. Saliot ng Agricultural Training Institute Central Office sa Quezon City kasama ang mga pangunahing panauhin na sina Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, Director Abdul I. Dayaan ng ATI 12 at si Regional Executive Director Amalia J. Datukan ng Department of Agriculture Regional Field Office 12.

Magkakaroon din ng post-evaluation, cooking contest at raffle draw para sa mga participants bago idaos ang closing program.

Ang SOA graduation ay isasagawa sa pangunguna ng mga kawani ng ATI 12 sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Agriculturist personnel ng lalawigan na pinamumunuan ni Engr. Eliseo M. Mangliwan.

Ang pinaigting na pakikipag-ugnayan ng Provincial Government sa mga support institutions tulad ng ATI 12 sa malawakang information dissemination campaign tungkol sa pagsasaka ay bahagi pa rin ng Serbisyong Totoo program ng lalawigan ng Cotabato.   

Ilang mga pananim sa bayan ng Kabacan; inatake ng Rice Black bug

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 15, 2012) ---Tatlong mga barangay ang namonitor ngayon ng Kabacan Municipal Agriculture Office na inatake ng Rice black bug.

Ito ang napag-alaman mula kay Kabacan Municipal Seed Inspector Dominador Bisnar Jr., kungsaan karamihan sa mga inatake dito ay ang mga nasa seed production erya.

Kabilang sa mga brgy na namonitor ang nasabing insekto ay ang brgy Osias, Upper Paatan at brgy Kayaga.

Aminado rin si Bisnar na maliban sa rice black bug, ilan pang mga major insects pest sa palayan ang kanilang namonitor kagaya ng fungus disease sa bayan at maging ang deficiency sa lupa.

Kaugnay nito, nagsasagawa na sila ngayon ng ocular inspection upang alamin kung gaanu kadami ang nasabing insekto na umatake sa isang pananim upang mairekomenda na rin nila ang kaukulang hakbang sa pagpuksa sa nasabing insekto.

Napag-alaman na abot sa 25 hanggang 30% ang posibleng ibaba sa ani ng mga pananim sakaling atakehin ito ng Rice Black bug kapag di agad maagapan.


Registration ng Comelec para sa 2013 Senatorial and Local elections, nagpapatuloy; mga id’s di pa dumating


Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 15, 2012) ---Nilinaw ngayon ni Kabacan election Officer Mercedes Pijo na wala pang mga id’s ng comelec na dumating sa kanilang tanggapan maliban na lamang sa mga comelec id’s na nakuha na mula taong 2003 hanggang 2006.

Pero ang mga nag paregister mula 2007 hanggang ngayon ay wala pang naipadalang mga id’s ang comelec central office sa Comelec Kabacan, kung kailan dadating ay di pa matiyak ng kanilang opisina.

Kaugnay nito, sinabi naman ng opisyal na nagpapatuloy ngayon ang registration para sa mga maglalabinwalong taong gulang bilang paghahanda para sa 2013 senatorial at local elections.

Inabisuhan din ng election officer ang mga residente na tingnan ang kanilang record sa comelec Kabacan dahil kapag dalawang halalan kasi na di makapagboto ay tiyak na matatanggal ang mga pangalan nito.

Bangaan sa araw ng mga puso sa Carmen, North Cotabato, 8 sugatan


Written by: Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/February 15, 2012) ---Nauwi sa aksidente ang masaya sanang Valentine’s day celebration ng pitong pasahero ng isang multicab makaraang maaksidente sa daan alas 6:30 kagabi sa Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato.

Ayon sa report ng Carmen PNP, isang pampasaherong multicab at tamaraw wagon ang sangkot sa nasabing aksidente kungsaan papuntang Poblacion Carmen ang pampasaherong multicab na minamaneho ni Mark Ryan Sualog, nang bigla itong mabangga ng isang tamaraw wagon na rehistrado sa Mlang District Hospital at minamaneho ni Naser Ali. 

Parehong direksyon ang tinatahak nina Sualog at Ali nang maganap ang aksidente.

Batay sa imbestigasyon, sugatan si Sualog at ang pito pa nitong pasahero.

Sa ngayon, nasa Kabacan Medical Specialist at Amas Provincial Hospital ang mga nasabing biktima. (with report from Delfa Vanea Cuenca)

USM Band Master; kampeon sa katatapos na 9th Jingle Contest

Written by: Rhoderick Beñez

(USM,Kabacan, North Cotabato/February 15, 2012) ---Nasungkit ni USM Band Master Jun Eramis ang kampeonato sa katatapos na 9th Jingle contest na ginanap sa Teacher’s Camp, Baguio city nitong February 11-12, 2012.

Ang taunang patimpalak ay bilang pagkilala sa mga kompositor at musical arranger sa buong bansa.

Nilahukan ng iba’t-ibang mga representante mula sa 17 mga Rehiyon ng Pilipinas ang nasabing jingle contest kungsaan tinanghal ang Region 12 na nag-iisang namumukod tanging may pinakamagandang jingle sa nasabing mga entries.

Ang lyrics ay ginawa ni Mr. Alex Alonzo ng tubong Kidapawan ay binigyang buhay at nilapatan ng musika ni USM Band Master Jun Eramis.

Ang jingle ay may titulong “Life’s Easier” na kinanta ng mga estudyante ng Pikit Elementary School.

Kung matatandaan, si Ginoong Eramis ay nag-uwi na rin ng maraming karangalan hindi lamang para sa USM kundi maging sa probinsiya ng North Cotabato sa mga kompetisyon hinggil sa mga battle of the band.
Tema ng nasabing programa ay “Technology advancement enhancing quality of life, now and beyond”

Plantation workers sa Carmen, N Cotabato; minasaker


Written by: Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/February 15, 2012) ---Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa Carmen PNP ang pagmasaker diumano sa tatlong mga sugar cane plantation workers sa Sitio Kisupaan, Barangay Macabenban, noong Biyernes.
         
Bagama’t may pag-kakakilalan na ang Carmen PNP sa pamumuno ni P/Insp Jordine Maribojo sa mga biktimang pinaslang ayaw muna nitong, ipa-ere ang mga pangalan upang di madiskarel ang kanilang nilulutong imbestigasyon.
         
Ayon kay Maribojo, nagtamo ng mga sugat sa ulo at dibdib ang isang 53-anyos na lalaki, residente ng Don Carlos, Bukidnon, isang minor de edad naman ang tinamaan sa kaliwang kili-kili nito at ang isa pa na tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging sanhi ng agara nilang kamatayan.
         
Ayon sa report, bigla lamang umano silang pinasok ng isang armadong lalaki at pinagbabaril ng apat na beses sa kanilang kubo.
         
Gamit sa pamamaril ang caliber 30 garand rifle, batay sa mga basyo ng bala na na-recover sa crime site.
         
Dalawang anggulo ngayon ang tinitingnang motibo ng mga otoridad ang una, posible umanong konektado sa land conflict ng lupang kanilang tinatrabaho at pangalawa ay baka may nakaalitan na umano ang mga biktima.
         
Ang tatlo ay pinaniniwalaang mga hired sugar cane cutters ng may ari ng sugar cane plantation na si Segundo Tadeo.
         


Gabriela Youth Kabacan chapter may panawagan ngayong araw ng mga puso sa kay Pangulong Pnoy: Panlipunang serbisyo hindi negosyo!

(Kabacan, North Cotabato/February 14, 2012) ---- “Bitter kami sa araw ng mga puso”, ito ang sigaw ng militanteng grupo ng mga kabataang kababaihan sa paggunita sa  tradisyunal na valentines day ngayong araw.

Ang araw ng mga puso na ginugunita sa ika-14 ng Pebrero kada taon ay gagawing araw ng pagkilos ng militanteng grupo bilang paunang tambol para sa nalalapit na pandaigdigang buwan ng mga kababaihan.

Ayon kay Gabriela Youth Kabacan Chapter Lourville Taliad ikinababahala nila hindi lamang sa sektor ng kababaihan kungdi maging ng nakakarami ang patuloy na pag-sapribado ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Aniya, nahihirapan na nga daw ang mamamayan sa publikong ahensiya ng gobyerno sa mga transaksiyon mas lalo pa daw itong mabigat kung pribado na ang may hawak.

Giit pa nito na hindi kaiba ang krisis na kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon sa kahirapan na natatamasa ng sambayanan bagkus, nananatili at tumitindi ang pagsupil sa mga karapatan ng mga ito sa usaping panggugubyerno at pagdedesisyon.

Kaugnay nito, nakatakdang maglunsad ng serye ng mga pagkilos ang mga kabataang kababaihan para sa paggunita ng pandaigdigang buwan ng mga kababaihan bitbit nito ang panawagan sa usaping oil price hikes, budget cuts sa social services, tuition and other fee increases, K+12 curriculum, mababang sahod, kontraktwalisasyon, kawalan ng hanap-buhay at iba pang mga problemang kinakaharap ng bansa.

Magsasaka; ninakawan; libu-libong halaga ng mga gamit natangay

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 15, 2012) ----Natangay mula sa isang Romeo Castillo ang abot sa libu-libong halaga ng mga gamit makaraang ninakawan ang bahay nito kamakalawa ng gabi sa brgy Osias, Kabacan.

Batay sa report ng Kabacan PNP, nasa loob pa mismo umano ng pamamahay nito ang biktima habang nanonood ng telebisyon ng di nito namalayan na pinapasok nap ala ng mga kawatan ang bahay nito sa pamamagitan ng pagsira ng bintina.

Ilang mahahalagang gamit ang natangay ng magnanakaw. Isang ASUS laptop na nagkakahalaga ng 45,000.00, isang fuji digital camera, Panasonic shaver at omron nebulizer. 

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon at ang pagtugis ng mga otoridadad sa kawatan.

Release ng truck na kinargahan ng mga kahoy na illegal na pinutol ipinag-utos ng PENRO North Cotabato; multi-cab sinunog ng tatlo katao sa Makilala

(North Cotabato/February 14, 2012) ---Di natuloy ang release kahapon sa isang 10-wheeler truck na kinargahan ng mga troso na umano illegal na pinutol at kinumpiska ng mga pulis noon pang Disyembre.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng North Cotabato Provincial Police Office.

Ang release order ng truck ay inisyu mismo ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO North Cotabato.

Batay sa order, ilalagay sa temporary custody sa may-ari ang naturang truck.

Ang may-ari ay isang negosyante na taga-Pikit, North Cotabato.  

Dismayado ang PNP sa naging aksyon ng PENRO.

Sayang lamang umano ang kanilang pagkilos o pagsisikap na masawata ang mga nag-i-illegal logging sa lalawigan dahil mismong ang taga-PENRO ang nagri-release ng mga sasakyan na nasasangkot sa krimen.

Ang truck na pag-aari ng taga-Pikit ang pang-apat na sana sa mga sasakyan na iri-release ng PENRO, simula January ng taong ito.

Samantala, Sinunog ng tatlong ‘di kilalang mga tao ang Suzuki multi-cab na pag-aari ng isang Ezequiel Vega na taga-Poblacion, Makilala, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa report, ipinarada lamang ng may-ari na si Vega ang kanyang multi-cab sa may Sitio Mahayahay, Poblacion, nang lapitan ng mga suspect na may dala’ng galloon ng gasolina at binuhusan ang sasakyan.

Wala namang magawa ang mga nakakita sa pangyayari dahil sa baka sila ang pagbalingan ng mga suspect.

Kaya’t ang ginawa na lamang ni Vega ay patayin ang apoy para maisalba pa ang kanyang sasakyan.  

83 solar lamps, ipinamahagi sa liblib na lugar ng Mt. Apo

(Kidapawan city/February 14) ---Matagumpay na naipamahgi ang 83 solar lamps mula p noong sabado, Pebrero 11 – Pebrero 13 sa mga piling lugar na walang kuryente sa ilang mga liblib na bahagi ng Mt. Apo. Kabilang sa nabahagian ng libre solar lamps ay ang Sitio Sabwag, Brgy. Kapatagan, Digos City na nabigyan ng 44 solar lamps, Pangaoan Magpet 19 at Phil. Eagle Foundation 20.

Ito ay matapos isinagawa ang Hike For Light, isang programang isinulong ng Stiftung Solar Energy Foundation at Kaya ng Ponoy Foundation na sinimulan pa noong Nobyembre ng nakaraang taon sa mga piling bundok dito sa Pilipinas.

Kasama sa mga umakyat sina Pastor Emata at fred Jamili, dalawa sa First Philippine Expedition Team na nakaakyat sa summit ng Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Layunin ng nabanggit na programa na palakasin at tulungan ang mga komunidad na hindi pa naaabot ng kuryente sa pamamagitan ng solar lamps.

Ang solar lamps o lampara na mula sa china ay chargeable sa sinag ng arawsa pamamagitan ng solar tray.

Iba’t-ibang sektor nakiisa sa isinagawang “Walk for Peace” sa Kabacan

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 14, 2012) ---“Cotabateno ako, Kapayapaa’y hangad ko”, ito ang naging sentro ng isinasagawang “WALK FOR PEACE” na dinaluhan ng iba’t-ibang mga sektor mula sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, militar, business sektor, academe, LGU-Kabacan, Provincial government, transport sektor at iba pa.

Photo Courtesy by: Moro People's Core
Ayon kay Executive assistant to the governor Ralph Ryan Rafael layon ng nasabing programa na maisulong ang pangmatagalang kapayapaan sa probinsiya ng North Cotabato na suportado naman ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Deputy Provincial Director for Operation P/Senior Supt. Raul Supiter, na isinagawa ang walk for Peace sa bayan ng Kabacan dahil dapat umanong pagtuunan ng atensiyon ang nasabing bayan matapos ang mga nagdaang kriminalidad at iba pang karahasan na nangyari sa Kabacan.
Kabacan Mayor George Tan

Aniya, ang walk for peace ay isang commitment effort hindi lamang ng mga otoridad kundi maging ng mamamayan nito.

Pangungunahan din ni Kabacan Mayor George Tan ang nasabing programa na isasagawa sa DD Clemente stage dito sa loob ng USM Main Campus, Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza, USM Pres Dr. Jess Derije mula naman sa University of Southern Mindanao.

Sa naturang programa, magbibigay naman ng mensahe bilang representative ng APO KASA si Engr. Cedric Mantawil, Col. Bienvenido Flores, ang President eng Veterans Association, USM student government –Paul John Ongcoy, mula naman sa 7th IB, PA-Lt. Col Benjamin Hao habang si Mr. David Torres naman sa hanay ng transport sector.

Nagpapataya ng illegal game number huli ng Kabacan PNP; babae sugatan matapos mabangga ng isang motorsiklo sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/February 14, 2012) ----Huli ng mga elemento ng Kabacan PNP ang isang 23-anyos na lalaki dahil sa nagpapataya ng illegal number games o mas kilala sa tawag na “last two” sa Malvar St., Poblacion, Kabacan, cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang nahuli na si Roel Paes Siberano, residente ng Caluasan, Mlang, Cotabato.

Nakumpiska mula kay Siberno ang isang calculator, resibo ng last two, at beat money na nagkakahalaga ng P161.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Kabacan Lock-up cell ang nasabing habang isinailalim ito sa masusuing interogasyon upang alamin kung sinu ang malaling financier ng nasabing last two sa Kabacan.

Samantala, isinugod naman ang isang babae sa Kabacan Medical Specialist dakong alas 11:40 kamakalawa matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo sa Rizal Avenue Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report ng Kabacan PNP napag-alamang ang motorsiklo ay minamaneho ni Gerald Olarte, 33, at residente ng Brgy. Kilada, Matalam ng aksidenteng mabangga nito ang biktima na nakilalang si Heideliza Azuero, 52 tubong Kabacan habang naglalakad sa National Highway.

Nabatid na si Olarte ay nasa impluwensiya ng alak ng aksidenteng mabangga nito ang ginang.

Wala pa umanong driver’s license ang suspek kung kaya’t agad itong dinala sa presinto ay iniimbestigahan ang kaso nito.

Presyo ng mga bulaklak, tumaas; mga usong gimik ng mga lovers tampok sa Kabacan


Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 14, 2012) ----Dumoble ngayon ang presyo ng mga bulaklak ngayong araw ng mga puso.

Ito ang napag-alaman mula sa mga nagtitinda ng bulaklak ditto sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Ginang Sheryl nagtitinda ng mga sari-saring bulaklak sa Kabacan Public Market, napag-alaman na isang linggo bago ang pagdiriwang ng araw ng mga puso ngayong araw ay tumaas na ang presyo ng bulaklak kagaya ng Rosas.

Isa sa mga pinakapatok na pangregalong bulaklak para sa may mga kasintahan.
Ang isang rosas na noon ay sampung piso lamang, ngayon ay bente na.
Ang bouquet na dating P50.00 ngayon ay sumampa ang presyo nito na halos P100.00 na.

Ito ay dahil tumaas na rin ang presyo ng mga bulaklak mula sa kanilang suppliers.

Kaya’t kahit na tumaas ang presyo ng mga bulaklak, sinabi naman ni Ginang Sheryl na marami naman umano ang mga order sa kanila para ngayong araw na ito, Valentines day.

Kaugnay nito, para naman kay Farida Tasel Malangan, taun-taon ay sinosurpresa siya ng kanyang kabiyak at hindi mawawala daw ang pagbibigay ng bulaklak sa kanyan at ang surprise dinner date nila.

 Samantala, iba’t-ibang gimik ang uso ngayon sa mga lovers. Isa na dito ang surprise dinner date with flowers and chocolates. Uso rin ngayon ang pagpunta sa mga park at pagpunta ng mga concerts.

Sa mga estudyante naman, usong-uso ang dinner dates sa mga restaurants na nag-ooffer mga valentine meals. Patok din ngayon ang mga restaurants na may live bands. Inaasahan na ng mga restaurant entrepreneurs na mapupuno ang kanilang establishemento.

Inaabangan din ang lovapalooza sa mga magsing-irog sa isang bar ditto sa Kabacan mamayang gabi.

Kaugnay nito, may kakaiba ring valentine’s concert for a cause ang bringas brothers na gaganapin sa JC complex, sa Kidapawan city mamayang gabi.
At maging ditto sa DXVL Radyo ng bayan ay mapapakinggan din ang 14-hours of Love songs… mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.

Iaanunsiyo rin ngayong araw kung sinu ang mananalo sa lovenotes with oliver twist kungsaan pipiliin ang pinaka unique at nag-iwan ng tatak sa mga listener’s ng love notes ang liham tungkol sa kanilang buhay pag-ibig.

Mula sa 42 mga entries na nabasa sa nasabing programa, isa ditto ang tatanghaling panalo na tatanggap ng P1,000 na cash na ibibigay ng Mabuhay Agri chemicals –Hardware and construction supply at may libreng dinner date sa orro resto, tickets para sa Lavapalooza 2012 sa micuriel at lover’s cake na bigay ng Raymund’s bakeshoppe, bukod ditto ay mayroon din silang libreng studio shot sa B&E digital Photohouse.

And 3rd, 2nd at 1st runner up ay makakakuha din ng Tickets para sa lavapalooza kungsaan makakatanggap sila ng simpacks at freebies bukod pa sa libreng beer at pulutan.

Ang lovenotes with oliver twist valentines special ay pang-apat na taon ng namamayagpag sa tuwing sasapit ang buwan ng mga puso ditto lamang sa DXVL Radyo ng Bayan.


Preso pumuga habang nasa ospital sa Kidapawan City


(Kidapawan city/February 13, 2012) ---Pumuga ang preso na nakilalang si Randy Reyes Ugad, isang ex-Army, habang ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas Complex, Kidapawan City, alas-tres ng umaga, kahapon.
       
Ayon kay Chief Inspector Ramon Hernandez, warden ng North Cotabato Rehabilitation Center, apat na ‘di kilalang lalaki ang pumasok sa kwarto sa ospital ni Ugad at tinutukan ang mga jail guards at gwardiya ng ospital.
       
Armado umano ang mga suspect ng caliber 45 pistol.
       
Kasabay din nila sa pagtakas ang isang babae na nagpakilalang misis ng preso.
       
Isa sa mga gwardiya ang nagsabi na ang isa sa mga tumulong sa pagtakas ni Ugad ay nasa ospital na, alas-10 pa ng gabi, noong Sabado.
       
Subject na ng manhunt ng Amas Jail at ng Cotabato Provincial PNP ang pumugang preso at ang apat katao na tumulong dito na makatakas.
       
Nakuha umano sa close circuit television o CCTV ng ospital ang mga hitsura ng apat katao at maging ang nagpakilalang misis ng preso.
       
 Si Ugad ay inaresto at nakulong sa Libungan, North Cotabato dahil sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms.
       
Mismong ang korte sa Pigcawayan ang nag-utos sa Bureau of Jail Management and Penology sa North Cotabato na ipagamot muna sa ospital ang preso bago ito ipasok sa kulungan.

Noon pang February 8 ito ipinasok sa North Cotabato Provincial Hospital sa Amas Complex.

Duda si Warden Hernandez na planado ang lahat kaya’t nagtagumpay ang preso na makapuga.

Subject na ng manhunt ng mga awtoridad si Ugad at maging ang apat katao, kasama pa ang misis ng pumugang preso, para din mapanagot sa krimeng kanilang ginawa.  

Nabatid na si Ugad, may alias na Arnold Abello, ay nahaharap din sa dalawang kaso ng murder: isa sa Camarines Sur nong 2008 at isa sa Sorsogon noong 2009.