Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/February 15, 2012) ---Tatlong mga barangay ang namonitor ngayon ng Kabacan Municipal Agriculture Office na inatake ng Rice black bug.
Ito ang napag-alaman mula kay Kabacan Municipal Seed Inspector Dominador Bisnar Jr., kungsaan karamihan sa mga inatake dito ay ang mga nasa seed production erya.
Kabilang sa mga brgy na namonitor ang nasabing insekto ay ang brgy Osias, Upper Paatan at brgy Kayaga.
Aminado rin si Bisnar na maliban sa rice black bug, ilan pang mga major insects pest sa palayan ang kanilang namonitor kagaya ng fungus disease sa bayan at maging ang deficiency sa lupa.
Kaugnay nito, nagsasagawa na sila ngayon ng ocular inspection upang alamin kung gaanu kadami ang nasabing insekto na umatake sa isang pananim upang mairekomenda na rin nila ang kaukulang hakbang sa pagpuksa sa nasabing insekto.
Napag-alaman na abot sa 25 hanggang 30% ang posibleng ibaba sa ani ng mga pananim sakaling atakehin ito ng Rice Black bug kapag di agad maagapan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento