Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ika-4 na buwang paggunita sa kamatayan ni Fr. Pops; gugunitain ng mga progresibong Kabataan ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/February 17, 2012) ---Makikiisa ang mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan sa ika-4 na buwang paggunita sa kamatayan ng isang italyanong misyonaryo sa pangunguna ng IDOL KO si Fr. Pops Movement.


Fr. Fausto Tentorio
Isang cultural production cum candle lighting ceremony  ang lalahukan ng mga grupong ANAKBAYAN, Liga ng Kabataang Moro, Gabriela youth, League of Filipino Students, Student Christian Movement of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines at Kabataan partylist ngayong araw ng biyernes, ika-17 nitong buwan, sa bayan ng ARAKAN.

Ayon kay Darwin Rey Morante tagapagsalita ng grupong ANAKBAYAN wala na diumano ang kinang ng dilaw na pamumuno at tuluyan ng nahuhubdan ang huwad na programa nito sa pagsagot sa tunay na kapayapaan.

Iginiit din ng grupo na ang kamatayan ni Fr. Fausto Tentorio ay isang kongkretong manipestasyon na nagpapatuloy ang pagsupil ng estado sa mga taong ang layunin lamang ay ipaglaban ang mga karapatan ng mga ito.

Kinikilala rin ng militanteng kabataan ang italyanong pari bilang ehemplo ng tunay na paglilingkod sa sambayanan at naninindigan ang mga kabataan na ipagpapatuloy ng mga ito ang nasimulan ng bayaning misyonaryo. Makikiisa rin ang grupo sa nakatakdang pagsumite ng kaso ng pagpaslang sa italyanong pari sa Department of Justice sa mga susunod na linggo.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento