Written by: Delfa Vanea Cuenca
Nasungkit ni Jamaica Bea Enock, isang 4th year ULS student ang ikalawang parangal sa isang presteryosong kompetisyong 9th National Science Quest na may temang “ SCIENCE AND TECHNOLOGY ADVANCEMENT, ENHANCING QUALITY OF LIFE NEW AND BEYOND”sa kategoryang, Science Investigatory Project na ginanap
noong Pebrero 10 -12 taong kasalukuyan.
noong Pebrero 10 -12 taong kasalukuyan.
Kasama ang kanyang coach na si Jose Raul Lutchavez, pinaghandaan ni Jamaica ang kanyang proyekto na may pamagat na “ THE DEVELOPMENT AND DESIGN OF RAINWATER HARVESTING SYSTEM BY THE USE OF FILTER” mula pa noong Setyembre ng nakaraang taon.
Ang naturang kategorya ay nilahukan ng walong kalahok mula sa iba’t- ibang rehiyon ng bansa.
Ayon pa kay Lutchavez, coach ni Jamaica, hindi raw inaasahan ng kanyang estudyante na masusungkit nito ang ikalawang parangal sa kadahilanang mas high tech diumano ang mga investigatory project ng ibang kalahok. Sa ngayon, pinaghahandaan na naman ng mga taga-ULS ang iba pang mga kompetisyon sa larangan ng siyensya sa susunod na taon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento