(Kabacan, North Cotabato/February 17, 2012) ---Dahil sa pag-amin ng mababang kaso (plead guilty to a lesser offense) ng paglabag sa section 1, paragraph (d) ng Presidential Decree No. 1602, hinatulan ni Judge Laureano Alzate ng Regional Trial court branch 22, Kabacan, Cotabato si Rebecca De Juan Abellera ng apat na taong pagkakabilanggo.
Iniutos ni Judge Alzate ang pagkumpiska ng gambling paraphernalia ng last two numbers games na tinaguriang game of chance kasama ang P520.00 na bet money na kinumpiska ng mga pulis officer mula sa...
pag-iingat ni Abellera noong January 26, 2011 sa bayan ng Kabacan.
pag-iingat ni Abellera noong January 26, 2011 sa bayan ng Kabacan.
Si Abellera ay hinuli dahil sa pagpapataya ng last two sa mga mananaya subalit pinayagan ng korte na umamin sa mas mababang paglabag sa P.D. 1602 dahil sumang-ayun ang taga usig.
Sa kabilang dako, pinawalang sala ni Judge Alzate sina Solaya Panayangan at Lanie Alamada ng paglabag sa R.A. 9165 o dangerous drugs act of 2002.
Si Panayangan ay hinuli ng mga pulis noong May 8, 2003 sa Kabacan, Cotabato dahil sa di umano’y pagbebenta ng isang sachet ng shabu sa mga buyers nito habang si Alamada naman ay hinuli ng mga pulis noong September 10, 2005 sa Kabacan dahil sa pag-iingat nito ng ipinagbabawal na gamot.
Ang dalawa ay inabswelto ng hukuman dahil sa di pagsunod sa chain of custody rule kaya dahil dito sinabi ni Judge Alzate sa mga pulis na tiyakin ang pag-preserba ng integridad ng mga ebedensiya.
Ito na ang ika-anim na beses na pinawalang sala ng hukuman ang mga akusadong sangkot sa paglabag sa R.A. 9165.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento