Written by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/February 14, 2012) ---“Cotabateno ako, Kapayapaa’y hangad ko”, ito ang naging sentro ng isinasagawang “WALK FOR PEACE” na dinaluhan ng iba’t-ibang mga sektor mula sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, militar, business sektor, academe, LGU-Kabacan, Provincial government, transport sektor at iba pa.
Photo Courtesy by: Moro People's Core |
Kaugnay nito, sinabi naman ni Deputy Provincial Director for Operation P/Senior Supt. Raul Supiter, na isinagawa ang walk for Peace sa bayan ng Kabacan dahil dapat umanong pagtuunan ng atensiyon ang nasabing bayan matapos ang mga nagdaang kriminalidad at iba pang karahasan na nangyari sa Kabacan.
Aniya, ang walk for peace ay isang commitment effort hindi lamang ng mga otoridad kundi maging ng mamamayan nito.
Pangungunahan din ni Kabacan Mayor George Tan ang nasabing programa na isasagawa sa DD Clemente stage dito sa loob ng USM Main Campus, Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza, USM Pres Dr. Jess Derije mula naman sa University of Southern Mindanao.
Sa naturang programa, magbibigay naman ng mensahe bilang representative ng APO KASA si Engr. Cedric Mantawil, Col. Bienvenido Flores, ang President eng Veterans Association, USM student government –Paul John Ongcoy, mula naman sa 7th IB, PA-Lt. Col Benjamin Hao habang si Mr. David Torres naman sa hanay ng transport sector.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento