Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dr. Francisco Iko Garcia, ika-7 Pangulo ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Nailuklok bilang pampitong Pangulo ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao si Dr. Francisco Gil Iko Garcia matapos na makuha nito ang pitong boto ng USM Board of Regents sa isinagawang BOR meeting na isinagawa sa CHED Manila, kahapon ng hapon.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News kahapon ni USM OIC President Atty. Christopher Cabelin na mayroon ng bagong halal na Pangulo ang pamantasan.

Sinabi ni Cabelin na agad na nanumpa bilang bagong halal na pangulo ng USM si Garcia matapos ang deklarasyon at siya ay pormal na uupo bilang bagong president pagkatapos ng ceremonial turn-over na gaganapin sa loob ng pamantasan anumang araw mula ngayon.

Kooperasyon ng USM Constituents, hiling ni Garcia para sa kapakanan ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Bilang bagong halal na Pangulo ng University of Southern Mindanao, hiling ni Dr. Francisco Gil Garcia ang kooperasyon ng lahat para sa kapakanan ng USM.

Sa ginawang panayam kahapon dalawampung minuto matapos maideklara si Garcia bilang bagong halal na pangulo ng pamantasan, sinabi nito na mahalaga ang kooperasyon ng lahat ng USM Constituents para sa kapakanan ng buong USM.

Kilalanin ang bagong Presidente ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Kilala siya sa tawag na Sir Iko o Iko, siya si Dr. Francisco Gil Iko Garcia ang pampitong nailuklok na Pangulo ng University of Southern Mindanao.

Si Dr. Garcia ay kasalukuyang Vice President for Admin and Finance ng Pamantasan.

October 10, 1957 ng ipanganak sa Kidapawan City ang opisyal.

USM Motor pool, grinanada!

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Hinigpitan na ngayon ang seguridad sa paligid ng University of Southern Mindanao matapos na hagisan ng granada ang USM Transport na nasa loob ng USM Main campus, Kabacan alas 7:20 kagabi.

Sa nakalap na impormasyon ng DXVL News mula sa mga guwardiyang sina John Subat at Claudio Redillas kumakain ang mga ito ng biglang may sumabog.

Nakaw na motorsiklo, narekober ng mga otoridad sa isang lugar sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Narekober ng mga otoridad ang isang single na motorcycle sa may bahagi ng Sitio Lote, Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 9:20 kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang narekober na sasakyan ay isang DT YAMAHA 125 na may license plate UK 5091 makaraang abandunahin ng mga salarin sa nasabing lugar.

Ilang USM Constituents, nagpahayag ng kanilang saloobin sa bagong liderato

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Nagpayahag ng kanilang saloobin ang ilang USM Constituents kaugnay ng pagkakahalal ni Dr. Francisco Gil Garcia bilang bagong presidente ng pamantasan. Ilan sa mga ito ang nagpahayag ng kanilang mga inaasahan sa bagong administrasyon.

Samantala, ilan sa mga ating nakapanayam ang nagbigay ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng written interview. 

Reaksyon ng taongbayan, kinilig sa Love Notes

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Kinilig ang buong bayan sa Ika-anim na taon ng Love Notes with Oliver Twist Valentines Special ngayong taon.

Naging maganda ang pagtanggap ng mga tagapakinig sa taunang programang ito ng DXVL KOOL 94.9  FM na nagsimula noong taong 2006 bilang bahagi ng paggunita sa buwan ng mga puso.

Naiiba sa mga nakaraang taon, isinadula ang mga piling liham na ipinadala at umire ito mula noong lunes, Pebrero a-10 hanggang kagabi.
Iba’t-iba ang reaksyon ng mga tagapakinig nito at sila ay may kanya kanya na ring “bet” na manalo para sa Valentines Special ng Love Notes With Oliver Twist Ngayong taon.

Featured Story: Araw ng mga Puso, paano gagawing makabuluhan

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Paanu mapakilig at masurpresa ang mahal ngayong Araw ng mga Puso..

Maraming mga babae nga ang kinikilig at naiinspire pag binibigyan ng bulaklak.

Para sa mga balak surpresahin ang kanilang mga kasintahan at minamahal ngayong araw.

Ordinansa hinggil sa regulasyon ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Kabacan, isasagawa

(Kabacan, North Cotabato/ February 13, 2014) ---Isasagawa sa Lunes Pebrero a-17 ang Public Hearing kaugnay sa regulasyon ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bayan ng Kabacan na isasagawa sa Municipal gymnasium.

Ang nasabing ordinansa ay isinusulong ng Sangguniang Bayan sa ilalim ng Committee on Health, Sanitation and Nutrition.

Mag-ama, 1 pang suspek patay, habang 1 pa kritikal sa nangyaring pananaksak at pananaga sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ February 13, 2014) ---Tatlo ang naiulat na nasawi habang 1 dito ang nasa malubhang kalagayan sa nangyaring pananaksak at pananaga sa Sitio Midsapakan, Barangay Napalico, Arakan, North cotabato alas 12 ng hating gabi nitong Martes.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang mga napatay na sina Roger Mansugod at Raul Mansugod mag-ama na nagtamo ng pananaga ng iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na nagging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

BREAKING NEWS! USM, may bago ng Presidente

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 13, 2014) ---Kinumpirma ngayong hapon sa DXVL News ni USM OIC President Atty. Christopher Cabelin na mayroon ng bagong halal na Pangulo ang pamantasan sa katauhan ni Dr. Francisco Gil Garcia.

Ginawa ni Cabelin ang pahayag sa isang phone interview 15 minuto matapos na maihalal bilang bagong Pangulo ng Pamantasan si Dr. Garcia.

Aniya, dumaan sa mahaba-habang session ang isinagawang board meeting na ginanap sa CHED Office sa Manila at bago mag-alas tres ngayong hapon ay tuluyang nahalal si Dr. Garcia bilang bagong Pangulo ng USM sa pamamagitan ng botohan ng USM Board of Regents.

1 patay, 3 sugatan sa shootout sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2014) ---Isa ang nasawi habang tatlo ang naiulat na sugatan sa nangyaring pamamaril sa National Highway, partikular sa barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 5:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ang napaslang na si Jomarie Pinansilo habang sugatan naman ang dalawa nitong mga kapatid na sina Latip at Bano gayundin ang drayber na si Karim Payag.

32-anyos na magsasaka, sugatan sa pananaksak sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ February 11, 2014) ---Sugatan ang isang 32-anyos na magsasaka makaraang pagsasaksakin ng kainuman nito sa Sitio Pangkat, Barangay Dado, Alamada, North Cotabato alas 9:30 ng gabi nitong lingo.

Kinilala ni PCI Joefrey Todeno, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Celso Gabredo Villanueva residente ng Lower Dado ng nasabing lugar habang nakilala naman ang suspek na si Danny Abadinas Paran, 37 residente rin ng nasabing lugar.

Dagdag na sundalo at motorcycle forces, ilalagay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2014) ---Iginiit ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na kontrolado ang peace and order sa Kabacan sa kabila ng mga serye ng kriminalidad sa bayan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ng punong ehekutibo sa panayam kahapon matapos ang closed door meeting nito sa PNP sa pamumuno ni Supt. Jordine Maribojo at kay 7th IB Civil Military Officer 1st Lt. Banoey.

Delegado ng North Cotabato para sa SRAA, umaasang makukuha ang kampeonato

(Koronadal City/ February 10, 2014) ---Umaasa ngayon si Cotabato School’s division Assistant Supt. Romelito Flores na mauuwi ng cotabato Division ang kampeonato sa gagawing SOCCKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet 2014 na magbubukas ngayong umaga.

Aniya, abot sa 600 ang delegado ng cotabato province sa nasabing palaro kungsaan 400 dito ay mga atleta, 170 naman ang mula sa elementary level habang 200 ang mula sa secondary level at 70 mga coaches at chaperon ang sumama.

2 katao nasakote sa pagdadala ng armas sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Huli ng Kabacan PNP ang dalawa katao sa pagdadala ng armas sa isinagawang highway check nila sa Barangay Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 5:30 kahapon ng hapon.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP nasakote ang dalawa sa nagpapatuloy na oplan kap-kap bakal at sita ng Kabacan PNP sa mga nagdadala ng armas sa bayan na walang kaukulang permit o illegal possession of firearms.

2 menor de edad, patay; 12 iba pa na ospital matapos malason sa kinaing kamoteng kahoy sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ February 10, 2014) ---Dalawa ang napaulat na nasawi habang labin dalawa pa ang naospital matapos na malason sa kinaing kamotengkahoy sa Sitio Ambag, Barangay Sto. Niño, Kidapawan city kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Irene Diarog 4-anyos at Jessieca Diarog habang nasa ospital naman sina Renalyn Almadin, Ronalyn Almadin, Alvin Diarog, Arnel Diarog, Honey Diarog at Sarah Diarog na isinugod sa New Cebu Hospital sa bayan ng President Roxas.

Elf vs. motorsiklo nagkabanggaan sa kurbadaang Highway ng Makilala; North Cotabato, 1 patay; Manager ng Banana Plantation sa Arakan, NCot; patay sa pamamaril

(Makilala, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 39-anyos na motorist makaraang masangkot sa aksidente sa National Highway particular sa Sitio Flortam, Batasan, Makilala, North Cotabato alas 8:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Leonard Cirunay, 39-anyos residente ng Lapu-lapu extension, Digos City at minamaneho nito ang kanyang Honda ZN 125 na may license plate 5520 LY ng masuwag nito ang kaliwang bahagi na gulong ng elf na may plakang GFW 727.

Alagad ng simbahan patay sa pamamaril sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon sa pagpaslang sa isang Diyakono ng Penticostal Church sa Sitio Sarmiento, Brgy. Dado, Alamada, North Cotabato.

Kinilala ni PCI Joefrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Reynaldo Manganyan Gutoman, 43-anyos at residente ng nasabing lugar.

LGU Mlang, magbibigay ng tulong sa mga magsasaka ng saging na sinalanta ng buhawi sa 2 barangay sa Mlang

(Mlang, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Abot sa P3.5M ang iniwang pinsala ng buhawi matapos na manalasa ito sa dalawang bayan sa Mlang, North Cotabato.

Sinabi ni Mlang Mayor Joselito Piñol na magpalabas ito ng assistance para sa mga magsasaka ng saging na sinalanta ng malakas na buhawi sa Barangay Pag-asa at Gaunan.

Magbababoy, panibagong biktima ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Sugatan ang isang 53-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin sa National High partikular sa Barangay Katidtuan, Kabacan, North Cotabato alas 9:50 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Celso Cuenca Cuerda, may asawa at residente ng Poblacion bayan ng Carmen.

16 na mga pulis ng CPPO, naipromote ang ranggo

(Amas, Kidapawan City/ February 8, 2014) ---Labin anim na mga pulis mula sa Cotabato Police Provincial Office ang tinaasan ang ranggo ng Philippine National Police National Headquarters sa Camp Crame kamakailan.

Kinilala ni Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Danilo Peralta ang mga napromote na sina PSupt. Jerson B. Birrey at PSupt. Jordine A. Maribojo mula sa kanilang dating ranggo na PCI; habang PCI naman ngayon sina: PCInsp. Ma. Joyce R. Birrey at PCinsp. Elias D. Colonia mula sa dating PSI’s; PSInsp. Zean Paul L. Cubil, Joan R. resurreccion, Bernabe T. Rubio at Basilio P. Parcon, Jr mula sa dating PI; PInsp Edgar Allan G. Espadera, Jessie C. Albay, Joemar A. Deocampo, Samson S. Pacete, Jorlito l. Patrona, Felipe M. Concepcion, Francisco C. Encarnacion at Jose Mari C. Molina na dating SPO4’s.