Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ordinansa hinggil sa regulasyon ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Kabacan, isasagawa

(Kabacan, North Cotabato/ February 13, 2014) ---Isasagawa sa Lunes Pebrero a-17 ang Public Hearing kaugnay sa regulasyon ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bayan ng Kabacan na isasagawa sa Municipal gymnasium.

Ang nasabing ordinansa ay isinusulong ng Sangguniang Bayan sa ilalim ng Committee on Health, Sanitation and Nutrition.


Kabilang sa mga posibleng ipagbabawal sa nasabing ordinansa ay bawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar kaya ng munisipyo, Mercado publiko, public terminal mga paaralan at iba pa.

Regulate din ang paninigarilyo sa mga pampublikong sasakyan maging ang advertisement at sponsoeship nito.

Tatalakayin din sa gagawing public hearing ang mga karampatang parusa ditto.

Ito ay alinsunod sa Tobacco Regulation Act of 2003.

Imbitado ang iba’t-ibang sector ng bayan sa nasabing talakayan.

Nabatid na ang paninigarilyo ay marami ang masamang idudulot sa kalusugan ng isang tao. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento