Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Mlang, magbibigay ng tulong sa mga magsasaka ng saging na sinalanta ng buhawi sa 2 barangay sa Mlang

(Mlang, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Abot sa P3.5M ang iniwang pinsala ng buhawi matapos na manalasa ito sa dalawang bayan sa Mlang, North Cotabato.

Sinabi ni Mlang Mayor Joselito Piñol na magpalabas ito ng assistance para sa mga magsasaka ng saging na sinalanta ng malakas na buhawi sa Barangay Pag-asa at Gaunan.


Ayon naman kay Agricultural Technologist Nogie Saligumba na humugit kumulang sa 20-ektarya ng Banana Plantation kungsaan abot sa 12,000 mga puno ng saging ang natumba karamihan sa mga ito ay nagbubunga na.

Nabatid na ang nasabing puno ay nagkakahalaga ng P350 hanggang P380.

Sinasabing P2.7M ang napinsala sa sagingan na pag-aari ni Roberto Santoyo sa pananalasa ng buhawi nitong nakaraang Huwebes. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento