(Kidapawan City/ February 10, 2014) ---Dalawa
ang napaulat na nasawi habang labin dalawa pa ang naospital matapos na malason
sa kinaing kamotengkahoy sa Sitio Ambag, Barangay Sto. Niño, Kidapawan city
kamakalawa.
Kinilala ang mga
namatay na sina Irene Diarog 4-anyos at Jessieca Diarog habang nasa ospital
naman sina Renalyn Almadin, Ronalyn Almadin, Alvin Diarog, Arnel Diarog, Honey
Diarog at Sarah Diarog na isinugod sa New Cebu Hospital sa bayan ng President
Roxas.
Samantala nakalabas
naman ng bahay pagamutan sina Ronie Almadin, Archie Diarog, Ronalyn Ambag, Jaya
Ambag, John Rey Aandigan at Joshua John Embac lahat ay pawang mga miyembro ng
Indigenous Community.
Posibleng mataas ang
cyanide content ng kamoteng kahoy na naging sanhi ng pagkakalason ng mga ito.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento