(Amas, Kidapawan City/ February 8, 2014) ---Labin
anim na mga pulis mula sa Cotabato Police Provincial Office ang tinaasan ang
ranggo ng Philippine National Police National Headquarters sa Camp Crame
kamakailan.
Kinilala ni Cotabato Police Provincial
Director Sr. Supt. Danilo Peralta ang mga napromote na sina PSupt. Jerson B.
Birrey at PSupt. Jordine A. Maribojo mula sa kanilang dating ranggo na PCI;
habang PCI naman ngayon sina: PCInsp. Ma. Joyce R. Birrey at PCinsp. Elias D.
Colonia mula sa dating PSI’s; PSInsp. Zean Paul L. Cubil, Joan R. resurreccion,
Bernabe T. Rubio at Basilio P. Parcon, Jr mula sa dating PI; PInsp Edgar Allan
G. Espadera, Jessie C. Albay, Joemar A. Deocampo, Samson S. Pacete, Jorlito l.
Patrona, Felipe M. Concepcion, Francisco C. Encarnacion at Jose Mari C. Molina
na dating SPO4’s.
Ang 16 na mga pulis ay nakatanggap ng
kanilang mga ranggo sa isinagawang seremonya sa provincial capitol na
pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at Sr. Supt
Peralta na siyang nanguna sa kanilang oath-taking. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento