(Kabacan, North Cotabato/ February 7, 2014) ---Pinalalakas ngayon ng 602nd Brigade, Philippine Army ang kanilang intelligence gathering matapos ang nangyaring pagsabog sa bayan ng Kabacan nitong Miyerkules ng gabi na ikinasugat ng dalawa katao.
Sinabi ni Civil Military Officer Captain Antonio Bulao sa DXVL news na sa kabila ng mas mahigpit na seguridad ay nalulusutan pa rin ang mga kasundaluhan at kapulisan ng mga nais maghasik ng kaguluhan sa bahaging ito ng Mindanao.
Kaugnay nito, malayo naman umano sa extortion ang panibagong pagsabog sa Kabacan, ayon kay Bulao, gayunpaman di pa rin nila ito isinasantabi at sinabi nitong may natatanggap na threat sa pambobomba dahilan para hindi rin nila ibaba ang kanilang alerto.
Samantala sinagot na rin ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang bayarin sa ospital ng dalawang nabiktima ng pagsabog ng 81mm na inilagay sa taas ng LPG tank, malapit sa Kabacan Water District.
Ito ayon kay Secretary to the Mayor Yvonee Saliling.
Kinilala ni Health Emergency Management Staff Honey Joy Cabellon ang mga sugatan na sina Gil John Pamoleras Langrio, 16, helper ng Mabros Trucking at residente ng Ulamian, Libungan na nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang binti.
Samantala, kinilala naman ang isa pang sugatan na si Rico Alipante Salve, 29, security guard ng Sugni Superstore at residente ng Roxas St., Poblacion ng bayang ito.
Ang guard ay nakalabas nan g ospital habang inoperahan naman kahapon si Langrio.
Inaalam na ngayon ng Kabacan PNP kung anung grupo ang nasa likod ng pagtatanim ng IED na gawa sa bala ng 81 mmm kung ito ay nahagip ng CCTV.
Nabatid na isa umanong security guard ng KAbacan Water District ang nakakita ng suspected IED sa nasabing tangke.
Naging tensyunado ang lugar matapos na ikordon ng PNP ang erya.
Bagama’t natagalan ang pagdating ng EOD team, tuluyan naman itong na disrupt.
Pero dahil sa malapit sa mga tangke ng LPG ang blasting, naglikha ito ng sunog na agad namang naapula, pero natupok ang ilang tindahan na pagmamay-ari ni Ferdie Mar Balunga, ayon sa BFP Kabacan. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
602nd Brigade, pinalalakas ang intelligence gathering matapos ang pagpapasabog sa Kabacan
Huwebes, Pebrero 06, 2014
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento