Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 notoryos holdaper/carnapper; huli ng Kabacan PNP sa isinagawang operasyon kap-kap bakal

(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2014) ---Arestado ng mga pulisya ang dalawang mga pinaghihinalaang notoryos na carnaper at holdaper sa may bahagi ng Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas pasado alas 10:00 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP angmga suspek na sina Amer Camsa Tiloma, 24-anyos, kasado at residente ng Barangay Kilangan, Pagalungan, Maguindanao habang kinilala ang isa pa nitong kasama na si Nor Ali Sandukan, 25-anyos, binata at residente ng Batulawan, Pikit, North Cotabato.
Sinabi ni Maribojo na nahuli ang mga suspek sa mas pinaigting na oplan sita at kapkap bakal sa high check nila.

Nakuha mula sa posisyon ng mga suspek ang kalibre .45 na pistol, granada maliban pa sa pitong piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Bukod dito, narekober din sa mga suspek ang magazine at mga bala ng kalibre .45 na pistol.

Pansamantalang naka-impound naman ngayon ang tricycle na gamit ng mga ito makaraang walang mga kaukulang papeles na maipakita ang mga suspek na pag-aari nila ang sasakyan.

Sinabi ng pulis opisyal na ang mga nahuling suspek ay matagal na nilang minamanmanan matapos na masangkot sa mga illegal na gawain sa bahaging ito ng North Cotabato na responsable sa mga nangyayaring robbery hold-up, karnapping at pagtutulak ng illegal na droga.

Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa Kabacan PNP lock-up cell. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento