Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsasayaw ng Zumba para sa mas malusog na pangangatawan, isusulong ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Hinihikaya’t ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang publiko partikular na ang mga senior citizen na pumunta sa Municipal Hall simula February 4 mula alas 5 hanggang alas 6:00 ng umaga.

Ito para sumayaw ng Zumba.

Ayon kay administrative Officer Cecilia Facurib layon ng LGU Kabacan na palakasin ang kalusugan ng bawat isa sa pamamagitan ng ehersisyo at pagsasayaw ng Zumba.

Ang aktibidad ay inisyatibo ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., katuwang ang Institute of Sports Physical Education and Recreation ng University of Southern Mindanao batay sa MOA na nilagdaan naman ni ISPEAR Director Prof. Flora Mae Garcia.

Ito ay gagawin na araw-araw sa harap ng Municipal Hall para maipromote ang magandang pangangatawan bukod pa sa kumpiyansa ng taong bayan sa seguridad sa paligid.

Samantala, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na rin ng LGU ang 67th Founding Anniversary ng bayan sa Agosto.

Kabilang sa mga nilulutong aktibidad ang Streetdancing, Hip-hop dance, Agro Trade Fair ng 24 na mga barangay, Motocross, Alay Gupit, Miss Gay Persona at iba pa. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento