Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libu-libong halaga ng illegal na droga, nasamsam sa isang tulak droga sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 4, 2014) ---Kulang-kulang kalahating milyun na halaga ng mga illegal na droga ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 at ng elemento ng Kabacan PNP sa isinagawang buybust operation sa Lapu-lapu St., Brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato pasado alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Dave Joseph Bornea Tanueco at residente ng nasabing lugar.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang 12 piraso ng plastic heat sealed sachet at isang 500 marked money, bukod pa sa 158,000 na cash na narekober mula sa kanya.

Sa ngayon dinala na sa lungsod ng General Santos ang suspek ng mga kasapi ng PDEA 12 habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento