Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na naghagis ng granada sa Kabacan, tukoy na!

(Kabacan, North Cotabato/ May 3, 2014) ---Arestado ng mga otoridad ang suspek na responsable sa paghagis ng granada sa isang commercial establishment sa USM Avenue, Kabacan, Cotabato pasado alas 11:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Abdul Gulam Hamid, 23-anyos, binata, tricycle driver at residente ng Palimbang, Sultan Kudarat.

Granada, inihagis sa isang establisiemento sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 3, 2014) ---Isang granada ang sumabog kagabi, makaraang itapon ng isang suspek sa harapan ng isang establisiemento sa USM Avenue, Kabacan, Cotabato pasado alas 11:00 kagabi.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP bagama’t walang nasakatan, nag-iwan naman ito ng pinsala sa rolled-up door ng Costar Commercial Center.

PGCot namahagi ng 10 multi cab sa 8 barangay at isang LGU

Written by: JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City/ May 3, 2014– Sampung mga bagong multi cab ang naipamahagi ng Provincial Government of Cotabato sa abot sa 8 barangay at isang local government unit sa Cotabato province.

Ito ay sa isang simpleng turn-over ceremony na ginanap sa lobby ng Provincial Capitol alas nuebe ngayong umaga na dinaluhan ng mismong mga punong barangay at alkalde na pawang recipient ng proyekto.

Kabilang ang mga barangay ng Salat at Lama-Lama sa President Rojas, West Patadon at Arakan sa Matalam, Demapaco sa Libungan, Batang sa Tulunan, Libertad ng Makilala at mismong LGU ng Makilala sa mga nabiyayaan ng nabanggit na sasakyan.

Concreting ng Poblacion 1- Sadaan Road sa Midsayap, North Cotabato nakatakda nang simulan

By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Notice to Proceed o NTP na lamang ang hinihintay ng project implementer upang masimulan na ang concreting ng Poblacion 1- Sadaan Road dito sa bayan ng Midsayap.

Ayon kay RDEN Construction and Supply at Project Engineer Federico Quidangen, nais man nilang masimulan agad ang proyekto ay kailangan nilang sumunod sa proseso ng gobyerno.

Ngunit binigyang diin ni Quidangen na ngayong Mayo ay masisimulan na ang road concreting project sa oras na mailabas na ng DPWH Cotabato Second Engineering District Office ang hinihintay nilang NTP.

Mahigit 12 tonelado ng basura, nalilikom sa Kabacan Araw-araw ---MENRO

(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Nababahala na ngayon ang pamunuan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng Kabacan matapos na umabot sa 12 hanggang 15 tonelada ng basura ang nakukulekta ng MENRO sa isang araw.

Ito ang ibinunyag ni MENRO Officer Jerry Laoagan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Barangay Chairman, 2 katao; niratrat!

(Upi, Maguindanao/ May 2, 2014) ---Patay ang tatlo katao kabilang na ang isang Barangay Kapitan habang isa pa  ang sugatan makaraang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyan sa Sito Bajar, South Upi, Maguindanao alas 8:00 ng umaga kahapon.

Dead on the spot si Brgy Pandan Chairman Perfecto Travilla at kasama nitong si Alex Dumaga, 22 anyos; Jason Mundo, 16-anyos makaraang magtamo ng multiple gunshot wound sa kani kanilang katawan habang patuloy na nagpapagaling sa ospital ang 32 anyos na si Anne Benito.

3 resolution, inihain ng isang Miyembro ng SP hinggil sa brown-out sa PPALMA

(Midsayap, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Naghain ngayon ng tatlong resolusyon si Board Member Shirlyn Macasarte Villanueva sa Sangguniang Panlalawigan upang siyasatin ang napakahabang brownout sa PPALMA Area.
Photo by: Karl Ballentes

Ito ang sinabi ng opisyal sa DXVL News kahapon kasabay ng isinagawang kilos protesta sa bayan ng Midsayap upang papaliwanagin ang Cotabato Electric Cooperative o Cotelco-PPALMA sa mahabang brownout sa lugar.

Ayon sa opisyal, nais nitong alamin sa pamamagitan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kung ilang megawatts ang sinusupply nilang kuryente sa Cotelco at ang dahilan ng brownout bukod pa sa ipinapatupad na load curtailment ng NGCP.

21-anyos na lalaki, caught in the act sa pagnanakaw

(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Kalaboso ngayon ang isang 21-anyos na lalaki makaraang mahuling nagnanakaw ng mga gamit pang karpintero sa brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Fajad Tasil Abdullah, 21, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

OPAG, tatalakayin ang mababang presyo ng goma sa Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Nais talakayin ng mga agriculture officials ng Cotabato province sa gagawing pagpupulong ang mababang buying price ng rubber cup lump sa probinsiya.

Inihayag ni Provincial Agriculturist Engineer Eliseo Magliwan na nagpatawag ito ng pulong kasama ang mga magsasaka at mga negosyante ng goma upang talakayin ang mga hakbang ng sa gayun maibalik sa normal ang presyo ng raw rubber products.

Nahuling buwaya, ibabalik na Liguasan Marsh

(Mlang, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Ibabalik na ngayong araw si Malang, ang buwaya na nahuli ng mga mangingisda sa Barangay Dungguan, M'lang noong Abril 12.

Ito makaraang maideklara na itong nasa maayos ng kalagayan.

Mula sa naunang skedyul na Mayo 15, napag-desisyunan ng lokal na pamahalaan ng M'lang na ibabalik ang buwaya ngayong araw.

Work Related sa Lopez’s Case, tinututukan ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Isa ang anggulong work related sa mga tinutumbok na motibo sa pagpaslang sa hepe ng sekyu ng University of Southern Mindanao.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sa nagpapatuloy na imbestigasyon nila sa pagbaril patay kay USM Chief Security Ronald Lopez.

Bagong registration sa 4P’s, isinasagawa sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Patuloy ang pagtanggap ngayon ng pamunuan ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Matalam sa mga panibagong nakapasok sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaang nasyunal para maibsan ang kahirapan sa bansa.

Noon pang nakaraang buwan nag simula ang registration sa nasabing tanggpan.

4th Gov. Lala Taliño Mendoza Summer Kids Peace Camp gaganapin na bukas sa Magpet North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ May 1, 2014) ---Sisimulan na bukas ang taunang summer kids peace camp sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ito ay gaganapin sa Apostol Memorial Central Elemmentary school at tatagal ng tatlong araw.

2 miyembro ng Al Khobar, timbog sa magkahiwalay na lugar sa Sultan Kudarat!

(Tacurong City, Sultan Kudarat/ May 1, 2014) ---Arestado ang dalawang kasapi ng kilabot na notoryos Al Khobar group sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Muling na tiklo ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Talakudong, Philippine Army's 7th Infantry Battalion, Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-ARMM at CIDG-12 ang notoryus na si Datukan Samad alyas Lastikman pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa isang Resto Bar sa Tacurong city.

Nakaw na motorsiklo, narekober sa Tulunan, NCot!

(Tulunan, North Cotabato/ May 1, 2014) ---Narekober ng mga otoridad ang isang pinaniniwalaang nakaw na motorsiklo sa Purok 7, Brgy. La Esperanza, Tulunan, North Cotabato kamakalawa ng umaga.

Sa report ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang nasabing motorsiklo ay isang kulay puti at pulang XRM 125 na may plate number 6664 QO.

2 Lalaki, timbog sa pagdadala ng armas

(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang dalawa katao makaraang mahulihan ng armas sa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Aljohn Ambang Sapal, 30-anyos, may asawa at Edison Plang Molao, 33-anyos, kasado at kapwa residente ng Galakit, Pagalungan, Maguindanao.

Organic control para sa nakakapinsalang fruit fly, malaking tulong sa mga magsasaka

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pagsasaliksik ng Office of the Research and Extension ng University of Southern Mindanao hinggil sa organic na pang control ng nakakapinsalanag fruit fly.

Ito ayon kay USM research and Extension Director Dr. Ariston Calvo matapos na matuklasan nito sa isang pag-aaral ang isang halaman na may kakayahang komontrol sa mapinsalang fruit fly.

Pagsusunog ng Plastik sa brgy. Osias inireklamo

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Matagal  na umanong inerereklamo ang ilang residente ng brgy. Osias hinggil sa paglabag umano nito sa R.A 9003 o ang pagbabawal sa pagsunog ng mga plastic.

Ito ay ayon sa panayam kay Kabacan MENRO Jerry Laoagan.

Pisan Caves ng Kabacan, namumukod tanging kweba sa Rehiyon 12

Written by: Sarah Jane Guerrero

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Kasali sa anim na mga kweba sa Socsargen Region ang dalawa sa limang kweba ng barangay Pisan, Kabacan, Cotabato na nacategorized bilang Class II at Class III, ito ay ayon sa DENR Memorandum Circular bilang 2014-13 na inaprubahan at ipinalabas noong April 8, 2014. 

Ang Cathedral at Avenue Caves ay nacategorized bilang Class II o yung may mga parte ng kweba na may mga hazardous na kondisyon at ito ay para lamang sa mga experienced cavers at kasali dito ang mga guided educational visits. Samantalang, ang Lope Cave naman ay na categorized bilang class III o bukas para sa mga mga inexperienced cavers. 

Mga illegal logs, nasabat ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Mahigit kumulang isang libong board feet ng hard wood ang nasabat ng mga awtoridad sa hangganan ng Barangay Bintangan bayan ng Carmen at Barangay Kitubod, Libungan, Cotabato kahapon.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng 7th IB, PA; Carmen PNP at DENR Midsayap ay nabawi nila ito sa mga pinaghihinalaang illegal loggers.

(Update) Watawat sa USM Admin, inilagay na sa half mast sa pagkakapaslang ng USM Security Head

USM Security Head Ronald Lopez
(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Inilagay na ngayong umaga sa half mast ang watawat ng University of southern Mindanao na nasa Administration building bahagi ng pagdadalamhati at pakikiramay ng pamunuan ng USM sa pagpaslang kay USM Security Head Ronald Lopez.

Sa ngayon hustisya at katarungan ang sigaw ng mga kapamilyang naulila ni Lopez, kasama na ang mga kasamahan sa trabaho at mga kaibigan sa Pamantasan.

Sinabi naman ngayong umaga ni USM Pres. Francisco Gil Garcia sa panayam sa kanya ng DXVL News na magbibigay ito ng kaukulang tulong sa mga pamilya ng naulila ni Lopez.

Kaugnay nito, magsasagawa naman ng emergency meeting ang pamunuan ng USM kaugnay sa nasabing insedente at pag-usapan dito kung paanu pa maigtingan ang seguridad sa loob ng pamantasan.

Breaking News: USM Security Head, patay sa panibagong pamamaril!

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Dead on arrival sa USM Hospital ang USM Security Director makaraang pagbabarilin sa bahagi ng USM Machinery sa loob ng USM Main Campus, Kabacan, North Cotabato dakong alas 7:30 ngayong gabi lamang.

Sa report ng USM Security Force nakilala ang biktima na si Ronald Lopez, dating ULS Principal at USM Security Chief.

Dumping site ng Haban rice mill inereklamo

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Inireklamo ni Pepito Moscoso residente ng Matalam, Cotabato ang Haban Rice Meal hinggil sa dumping site nito.

Ito ay ayon kay Kabacan MENRO Jerry Laoagan. 

Ang naturang reklamo ay idinulog sa Provincial Office of DENR. Kinlaro din ni Mr. Laoagan na kaya hindi pwedeng hulihin ng LGU Kabacan ang haban rice meal dahil ang dumping site nito ay nasa Matalam, Cotabato.

2 lola kasama sa mga grumadwet sa ALS sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Muling pinatunayan ng dalawang lola na hindi hadlang ang edad para makamit ang edukasyon.

Ito makaraang kabilang sina Phoebe Hinampas, 68-anyos ng bayan ng Arakan at Mely Rasiles ng brgy. Katidtuan, Kabacan sa 398 na mga estudyante ng Alternative Learning System o ALS na nagtapos ngayong araw.

Bagong laya, pinatay sa droga

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang bagong laya na preso makaraang barilin ng walong beses ng di kilalang suspek sa crossing ng Doña Aurora st. at Maria Clara st., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Turo Bildik, 26-anyos at residente ng Purok Krislam ng bayang ito.

5 pamamahay, naabu sa nangyaring sunog sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Razed to the ground ang limang mga residential houses sa nangyaring sunog sa Purok 2, Liton, Kayaga, Kabacan, Cotabato ala 1:00 ng madaling araw kanina.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay Fire Senior Inpecstor Ibrahaim Guaimalaon, tatlong mga pamamahay ay gawa sa light materials habang ang dalawa naman ay semi concrete.

Dumping site ng isang Ricemill sa Kabacan, nirereklamo; MENRO, tumugon!

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Inireklamo ng ilang mga residente sa may bahagi ng Katidtuan at Corner Matalam cemetery ang isang Ricemill hinggil sa pagda-dump nila ng kanilang mga rice hall malapit sa mga residential houses.

Matagal na umano itong reklamo ng mga residente doon, pero tila mabagal ang tugon ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa nasabing reklamo.

Lalaki, patay sa pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ April 29, 2014) ---Binawian ng buhay ang isang lalaki makaraang tadtarin ng bala ng di pa kilalang mga suspek sa Kidapawan City alas 2:00 ng madaling araw kamakalawa.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Alias Kolot Cabiles residente rin ng lungsod.

Communicating the Impact of climate Change in Mindanao, sentro ng isinagawang 9th Mindanao Media Summit

(Davao City/ April 28, 2014) ---Mahalaga ang masusing pagsisiyasat sa gagawing mga pag-uulat sa kapaligiran, partikular na hinggil sa ‘climate change’.

Ito ang sinabi ng Independent Development Worker na si Milet Mendoza sa mga mamamahayag na lumahok sa katatapos na 9th Mindanao Media Summit nitong Biyernes na isinagawa sa Royal Mandaya Hotel, Davao city.

Libung Board ft. na illegal na troso, nakumpiska ng mga otoridad sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 28, 2014) ---Abot sa 1,200 board feet na mga illegal na troso ang nakumpiska ng mga otoridad sa nagpapatuloy na kampanya nila kontra illegal logging sa Kabacan.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing mga illegal na troso ay nakuha nila sa Brgy. Pisan alas 9:30 ng gabi nitong Sabado.

Maliban sa iba’t-ibang klase ng illegal logs, nakumpisak din nila ang isang chain saw na giangamit ng mga tumakas na suspek sa pagpuputol ng kahoy sa lugar.

Phase II ng Mal-Mar Irrigation Project puspusan ang implementasyon

(Pikit, North Cotabato/ April 28, 2014) ---Naglabas ng progress report ang tanggapan ng Malitubog- Maridagao o Mal-Mar Irrigation Project Phase II kaugnay ng implementasyon ng nasabing multi-million irrigation project.

Batay sa report na isinumite ni Project Manager Engr. Noldin Oyod, nasa 21% ng kabuuang proyekto ang aktwal nang natatapos.

Nawawalang disbursing officer ng Kidapawan City LGU, pinasisibak na sa pwesto

(Kidapawan city/ April 28, 2014) ---Pinapatalsik na ngayon sa kanyang pwesto ang ‘missing’ na disbursing officer ng Kidapawan City Government matapos na maharap sa iba’t-ibang kasong administratibo na kinakaharap nito sa Ombudsman.

Ayon kay Human Resource Management Officer Magda Bernabe patuloy nilang pinaghahanap ang dating disbursing Officer na si Darwin Loyola na nagtago noon pang Hunyo 2012.

2 Panadero, biktima ng agaw motorsiklo sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 28, 2014) ---Tinangay ng di pa nakilalang suspek ang motorsiklo ng dalawang mga panadero sa Poblacion ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang dalawang mga biktima na sina Chito Ilan, 24 residente ng brgy. Tibao, Mlang at Jerry Rivera, nasa tamang edad at residente ng Kidama bayan ng Matalam.

Cross matching ng mga pangalan ng PhilHealth beneficiaries sa PPALMA tinututukan

Written By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 25, 2014) ---Abala ngayon ang tanggapan ng Unang Distrito ng North Cotabato sa kanilang ginagawang cross- matching ng mga pangalan ng PhilHealth beneficiaries sa buong Distrito Uno.

Layunin umano nilang matukoy ang mga pangalan ng mga kasali sa Universal Philhealth Coverage at iyong mga hindi pa na-irerenew sa kasalukuyan.

‘Listahanan’ database malaking tulong sa social services and support programs ng Distrito Uno

Written by: Rod Rivera Bautista

Magiging malaking tulong umano ang data base na inilabas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD XII sa social services and support programs ng Unang Distrito ng North Cotabato.

Ito ang inihayag ng opisina ni Rep. Jesus Sacdalan matapos matanggap mula sa DSWD XII ang Listahanan data base na mas kilala dati sa tawag na National Household Targeting System for Poverty Reduction o NHTS- PR.

Dayalogo kaugnay ng implementasyon ng road projects isasagawa sa PPALMA

Written by: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 25, 2014) ---Nakatakdang magsagawa ng dayalogo ang Department of Public Works and Highways o DPWH kaugnay ng ipapatupad na Farm to Market Road Development Program o FMRDP sa PPALMA area.

Gaganapin ang nasabing dayalogo mula a-28 hanggang a-30 ng Abril sa iba’t- ibang barangay kung saan ipapatupad ang FMRDP.

Kilos protesta, ikakasa sa PPALMA Area sa North Cotabato kontra malawakang brownout

(Midsayap, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Nakahanda na ang ikakasang kilos protesta laban sa nararanasang mahabang brownout sa PPALMA Area ngayong Mayo 1.

Ito’y tatawagin na “hamon ng bayan, Paliwanag mo protesta laban sa hindi makatarungang brownout”.

Ayon sa ilang mga negosyante sa bayan ng Midsayap unti-unti na umanong bumabagsak ang ekonomiya ng probinsya dahil sa napakahabang brownout kung may kinikita man sila ay napupunta lamang sa pambili ng gasolina o krudo ng kanilang mga generator set.