(Makilala, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Nais
talakayin ng mga agriculture officials ng Cotabato province sa gagawing
pagpupulong ang mababang buying price ng rubber cup lump sa probinsiya.
Inihayag ni Provincial Agriculturist
Engineer Eliseo Magliwan na nagpatawag ito ng pulong kasama ang mga magsasaka
at mga negosyante ng goma upang talakayin ang mga hakbang ng sa gayun maibalik
sa normal ang presyo ng raw rubber products.
Ito ang tugon ng opisyal sa mga hinaing ng
mga magsasaka ng goma sa lalawigan.
Malaki ang paniniwala na opisyal na kapag
napabayaan ito, posibleng mamamatay ang industriya.
Sa kasalukuyan, naglalaro ang presyo ng goma
sa P26 hanggang P29 bawat kilo, mas mababa ito kung ihahambing noong nakaraang
limang taon na P38 hanggang P40 ang bawat kilo.
Napag-alaman na ang lalawigan ng Cotabato
ang nangungunang rubber producer sa Rehiyon 12 at pangalawa sa buong Mindanao. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento