Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 12 tonelado ng basura, nalilikom sa Kabacan Araw-araw ---MENRO

(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Nababahala na ngayon ang pamunuan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng Kabacan matapos na umabot sa 12 hanggang 15 tonelada ng basura ang nakukulekta ng MENRO sa isang araw.

Ito ang ibinunyag ni MENRO Officer Jerry Laoagan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya, ang nasabing bilang ay mga non-biodegradable o mga hindi nabubulok lamang na nahahakot ng compactors.

Kung hindi tutulong ang komunidad, posibleng sa lalong madaling panahon ay mapupuno na ang dumpsite ng Malanduage, ayon kay Loaogan.

Samantala, sinabi naman ni MENRO officer  Laoagan na abot sa pitumpung porsiento ang naidudulot na basura na itinatapon ng ilang mga estudante ng USM, batay sa kanilang obserbasyon.

Dagdag pa nito na walang problema sa pagtatapon ng basura ang mga residente ng nasabing lugar, alam na daw kasi ng mga ito ang patakaran sa pagtatapon ng kanilang mga basura.


Karamihan daw kasi sa mga estudyanteng dumaraan dito ay nagtatapon ng kanilang mga basura sa kanal o sa daanan lamang. Regine Barba Lanuza DXVL news.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento