(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014)
---Razed to the ground ang limang mga residential houses sa nangyaring sunog sa
Purok 2, Liton, Kayaga, Kabacan, Cotabato ala 1:00 ng madaling araw kanina.
Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay
Fire Senior Inpecstor Ibrahaim Guaimalaon, tatlong mga pamamahay ay gawa sa
light materials habang ang dalawa naman ay semi concrete.
agad namang rumesponde ang mga kagawad ng
pamatay sunog kasama ang volunteer firetruck ng USM fire sa nasabing sunog
matapos na magbigay ng alarm ang duty BPAT sa lugar na si Dexter Hernandez.
Sa hiwalay na ulat ni Municipal Disaster
Risk Reduction Officer David Saure nagsimula ang sunog sa pamamahay ni Jose
Apal.
Wala namang may naiulat na nasawi o nasaktan
sa nasabing sunog.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan
sa mga pamamahay doon ay dikit-dikit at gawa sa ight materials, ayon kay
Guiamalon.
Ang danyos, ayon sa opisyal ay umaabot sa
mahigit kumulang P400,000 sa inisyal na pagtaya.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng nasabing sunog. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento