Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 lola kasama sa mga grumadwet sa ALS sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Muling pinatunayan ng dalawang lola na hindi hadlang ang edad para makamit ang edukasyon.

Ito makaraang kabilang sina Phoebe Hinampas, 68-anyos ng bayan ng Arakan at Mely Rasiles ng brgy. Katidtuan, Kabacan sa 398 na mga estudyante ng Alternative Learning System o ALS na nagtapos ngayong araw.


Ang graduation ay isinagawa sa Kabacan Pilot elementary School na pinangunahan ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas.

Para sa mga nagsipagtapos, malaking tulong umano ito para sa kanila na ipursige pa ang kanilang pag-aaral at mapaunlad pa ang kanilang sarili.

Ang ALS ay programa ng DepEd para sa mga out of School youth at mga mage dad na na nais ipagpatuloy ang pag-aaral.

Nabatid na 375 ang nagtapos buhat sa sekundarya hahabang 23 naman mula sa elementary ngayong taon.

Naka-sentro ang kanilang graduation sa temang  “Edukasyong Pinagkait noon sa ALS ay makakamit ngayon”.


Naging pangunahing pandangal si Ms. Kris Lago 2007 ALS passer dinaluhan naman ang pagtatapos ng mga guro na nag mula sa ibat ibang bayan ng ng Probinsya ng Coatabato at kinatawan ng ALS. Rhoderick Beñez with report from Gabriel Baliong

0 comments:

Mag-post ng isang Komento