(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014)
---Inireklamo ng ilang mga residente sa may bahagi ng Katidtuan at Corner
Matalam cemetery ang isang Ricemill hinggil sa pagda-dump nila ng kanilang mga
rice hall malapit sa mga residential houses.
Matagal na umano itong reklamo ng mga
residente doon, pero tila mabagal ang tugon ng Department of Environment and
Natural Resources o DENR sa nasabing reklamo.
Pero, agad naman itong naaksyunan ng MENRO
Kabacan.
Sa panayam kay MENDRO Head Jerry Laoagan,
idinulog na nito sa MENRO Matalam ang nasabing usapin dahil ang dumping site ng
Jaban ricemill ay nasa bahagi na ng Matalam.
Pero sa kabila nito, tiniyak naman ni
Laoagan, na aaksyunan nito ang nasabing reklamo sa tulong ng DENR. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento