(Davao City/ April 28, 2014) ---Mahalaga ang
masusing pagsisiyasat sa gagawing mga pag-uulat sa kapaligiran, partikular na
hinggil sa ‘climate change’.
Ito ang sinabi ng Independent Development
Worker na si Milet Mendoza sa mga mamamahayag na lumahok sa katatapos na 9th
Mindanao Media Summit nitong Biyernes na isinagawa sa Royal Mandaya Hotel,
Davao city.
Sinabi nito na malawak ang naaabot ng mga
mamamahayag kaya nararapat lamang na magsaliksik ang mga ito ng mga detalye
hinggil sa climate change at para maiwasan din ang mga false alarm na mga
balita.
Iginiit pa nito na iwasan din ang
sensationalism sa mga gagawing balata o stories.
Bukod dito, naging panauhing tagapagsalita
din sa nasabing programa si Presidential Communications and Operations Chief
Sec. Herminio Coloma kungsaan nakipagpulong din ito sa mga kawani ng Philippine
Information Agency o PIA.
Aniya, dapat umanong palakasin at pagtibayin
pa ang kaalaman ng bawat isa sa tulong ng media na iparating sa mga lokal na
pamahalaan at komunidad kung paanu matutugunan ang epekto ng climate change.
Ilan sa mga binalikan ay ang Bagyong Sendong
at Pablo na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao na kumitil ng maraming buhay.
Dito ipinakita ang malaking hamon sa mga
mamamahayag na ipaintindi sa taong bayan ang mga highly technical terms na
inilalabas ng DOST-PAGASA at ilan pang ahensiya ng pamahalaan.
Halimbawa nito, ang storm surge na dala ng
Bagyong Yolanda, na hindi naman naiintindihan ng marami kung anu ang storm
surge na binabanggit ng isang reporter.
Kaya marami ang hindi nakahanda dahil marami
ang di alam sa nasabing mga terminolihiya.
Ang Summit ay inorganisa ng Mindanews sa
pakikipagtulungan ng PIA at iba pang mga organisasyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento