Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cross matching ng mga pangalan ng PhilHealth beneficiaries sa PPALMA tinututukan

Written By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 25, 2014) ---Abala ngayon ang tanggapan ng Unang Distrito ng North Cotabato sa kanilang ginagawang cross- matching ng mga pangalan ng PhilHealth beneficiaries sa buong Distrito Uno.

Layunin umano nilang matukoy ang mga pangalan ng mga kasali sa Universal Philhealth Coverage at iyong mga hindi pa na-irerenew sa kasalukuyan.


Sinabi ni First Congressional District Office Focal Person for Health Services Dominador Aspacio na ang gamit nilang batayan ng cross- matching ay ang resulta ng National Household Targeting System for Poverty Reduction o NHTS- PR.

Puspusan naman ang ugnayan ng kanilang ahensya sa PhilHealth Regional Office XII sa Koronadal City upang mailatag na ang final listing ng mga makikinabang sa PhilHealth Insurance program ng gobyerno.
Hinikayata din ni Aspacio ang mga nagsumite ng listahan sa kanilang tanggapan na bigyan sila ng sapat na oras upang maisagawa ang buong proseso ng cross matching.
Tiwala itong mailalabas ang listahan sa lalong medaling panahon. DXVL News Correspondent



0 comments:

Mag-post ng isang Komento