Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 resolution, inihain ng isang Miyembro ng SP hinggil sa brown-out sa PPALMA

(Midsayap, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Naghain ngayon ng tatlong resolusyon si Board Member Shirlyn Macasarte Villanueva sa Sangguniang Panlalawigan upang siyasatin ang napakahabang brownout sa PPALMA Area.

Photo by: Karl Ballentes

Ito ang sinabi ng opisyal sa DXVL News kahapon kasabay ng isinagawang kilos protesta sa bayan ng Midsayap upang papaliwanagin ang Cotabato Electric Cooperative o Cotelco-PPALMA sa mahabang brownout sa lugar.

Ayon sa opisyal, nais nitong alamin sa pamamagitan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kung ilang megawatts ang sinusupply nilang kuryente sa Cotelco at ang dahilan ng brownout bukod pa sa ipinapatupad na load curtailment ng NGCP.


Ito upang malaman nila kung nagsasabi ng totoo ang Cotelco-PPALMA, ayon kay Macasarte.

Maliban dito, naghain naman ng resolusyon ang lokal na mambabatas na papaliwanagin ang Cotelco-PPALMA sa napakahabang oras na brownout na ayon sa opisyal ay umaabot na ngayon sa 8-10 oras na power interruption.

Nais din nitong busisiin kungsaan napunta ang 2megawatts na standby generator na una ng ipinangako ng Cotelco-PPALMA noong 2013.

Pangatlo sa mga inihaing resolusyon ng opisyal ay ang paghingi ng audited financial statement upang mabatid ang status ng kooperatiba.

Sa ngayon, ayon kay Macasarte, kung di ito matutugunan ay posibleng mamamatay ang ekonomiya sa PPALMA dahil lahat ng mga kinikita ng mga negosyante ay napupunta lamang sa pambili ng gasolina para sa operasyon ng negosyo.


Si Macasarte, ay isa lamang sa libu-libong mga mamamayan na nagdamit ng kulay itim na nagsagawa ng kilos protesta sa Midsayap, upang papaliwanagin ang Cotelco PPALMA sa nasabing krisis sa enerhiya. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento