(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014)
---Inireklamo ni Pepito Moscoso residente ng Matalam, Cotabato ang Haban Rice
Meal hinggil sa dumping site nito.
Ito ay ayon kay Kabacan MENRO Jerry Laoagan.
Ang naturang reklamo ay idinulog sa Provincial Office of DENR. Kinlaro din ni
Mr. Laoagan na kaya hindi pwedeng hulihin ng LGU Kabacan ang haban rice meal
dahil ang dumping site nito ay nasa Matalam, Cotabato.
Dagdag pa nito na ang
naturang reklamo ay isinagguni na nila sa LGU Matalam.
Sinabi din niyang ayon sa Environmental
Compliant Certificate(ECC) na dapat may dumping area na walang magrereklamo,
pero ang nangyayari sa kanila ay nasa open area umano ang kanilang dumping
site.
Subalit kung kanila daw pahihintuin ang
nasabing rice mill ang mga magtatahip na naman daw ang magrereklamo.
Kaya naman
ngayon hinihintay na lamang daw ng provincial office ang hatol ng regional office
hinggil sa usaping ito. USM Devcom Intern Regine Barba Lanuza DXVL NEWS
0 comments:
Mag-post ng isang Komento