(Mlang, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Ibabalik
na ngayong araw si Malang, ang buwaya na nahuli ng mga mangingisda sa Barangay
Dungguan, M'lang noong Abril 12.
Ito makaraang maideklara na itong nasa
maayos ng kalagayan.
Mula sa naunang skedyul na Mayo 15,
napag-desisyunan ng lokal na pamahalaan ng M'lang na ibabalik ang buwaya
ngayong araw.
Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Philippine
Crocodile Center sa Palawan, lumabas na malusog diumano ang buwaya at maari
nang maibalik sa tahanan nito sa Liguasan Marsh.
Napag-alaman na si Malang ay siyang
pinakamalaki na buwaya mula sa tubig-tabang na halos tatlong metro ang haba.
Napabilang diumano sa critically endangered
species si Malang kaya mahalaga na maibalik agad sa Liguasan Marsh. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento