(Midsayap, North Cotabato/ April 24, 2014)
---Nakahanda na ang ikakasang kilos protesta laban sa nararanasang mahabang
brownout sa PPALMA Area ngayong Mayo 1.
Ito’y tatawagin na “hamon ng bayan, Paliwanag
mo protesta laban sa hindi makatarungang brownout”.
Ayon sa ilang mga negosyante sa bayan ng
Midsayap unti-unti na umanong bumabagsak ang ekonomiya ng probinsya dahil sa
napakahabang brownout kung may kinikita man sila ay napupunta lamang sa pambili
ng gasolina o krudo ng kanilang mga generator set.
Tumaas rin ang bilang ng kremin sa North
Cotabato tuwing brownout lalo na sa gabi.
Nakakaranas ng pito hanggang sampung oras na
brownout ang PPALMA sa North Cotabato.
Sa panig naman ng Cotabato Electric Cooperative
(Cotelco-PPalma) sinabi ni OIC General Manager Engr Felix Canja na hindi nila
kontrolado ang brownout mababa umano ang load allocation ng National Grid
Corporation of the Philippines (NGCP) kay napilitan silang magpatupad ng
rotational brownout.
Dahil dito, nais ngayong kalampagin ng mga
Kutabatenyos ang Department of Energy o DOE sa lumalalang krisis sa enerhiya sa
bahaging ito ng Mindanao. Rhoderick
Beñez/ DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento