Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

46 na adult Literacy-Numeracy learners ng barangay Kilagasan nagtapos na

(Kabacan, North Cotabato/ April 25, 2014) ---Nagtapos ang apatnaput anim na adult Literacy-Numeracy learners ng barangay Kilagasan, Kabacan, Cotabato, particular sa Sitio Nasag at Sitio Kumpra, kaninang alas 10:00 ng umaga.

Naging panauhing pandangal nila si Mr. Junmar Gonzales, population program officer ng probinsiya ng Cotabato, sinabi pa nito na may basbas pa umano ni Gov. Lala Talino Mendoza ang kaniyang pagpunta doon.
Namigay din siya ng mga tsinelas para sa mga bata, notebook at ballpen naman para sa mga learners para makapag praktes pa umano sila ng pagsusulat.

Samantalang may isang 70 years old namang babae ang napaiyak ng makatanggap ito ng medalya.

 Meron din namang nabigyan ng pera, ang perang ito ay benta ng kaniyang banig na ginawa.


Ang aktibidad na ito ay parte pa rin ng Moro People’s Community Organization for Reform and Empowerment (Moro PCORE). Ang layunin ng nasabing programa ay hindi lamang maturuan ang mga kapatid nating Muslim kundi pati na rin ang paunlarin ang kanilang araw-araw na pamumuhay. 

Pangatlong batch na umano ito ng mga graduates, nung nakaraang taon ay hindi lamang mga kapatid nating muslim ang kanilang natulongan dahil may isang lumad na nakapagtapos. Regine Lanuza

0 comments:

Mag-post ng isang Komento