(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2014)
---Bagama’t hindi korom ang nangyaring Public hearing hinggil sa franchising
and regulatory code para sa mga tricycle for hire sa Kabacan, itinuloy pa rin
ang naturang aktibidad kahapon.
Ito ayon kay Vice Mayor Myra Dulay Bade
dahil sa una na itong na-i-schedule.
Ilan sa mga mga drivers at operator ng mga
tricycle at tricycab di alam ang naturang public hearing.
Sa labin isang pahina ng Draft ordinance,
dito inisa-isa ang nakapaloob sa naturang ordinansa.
Matapos ang paglalahad ng Sangguniang Bayan
sa nasabing ordinansa, dito na nagkaroon ng mainitang diskusyon.
Kinuwestiyon ni Route 1-A-1 Pres. Samuel
Dapon ang komposisyon ng Municipal Tricycle-For-Hire Regulatory Board o MTFRB
dahil sa wala umanong boses ang kanilang grupo sa nasabing Board.
Bukod dito, pinatutsadahan pa nito ang
umano’y di pagkakatugma ng franchise na ibinigay ng LGU na 600 sa mga legal
operators habang may mahigit isang libu naman ang numero sa mga motorist.
Samantala, aminado naman ang Franchising
Board na hindi nila nakontrol ang mahigit sa isang libung franchise ng mga
tricycle for hire, pero patuloy ngayon ang panghuhuli nila sa mga kolurom na
motorsiklo.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Councilor Herlo
Guzman Sr., may hawak ng committee on transportation sa Sanggunian na ayusin
ang kalakaran sa transportasyon sa Kabacan in aide of legislation. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento