Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato Highway Patrol Group, pinasinungalingan ang umano’y pagtanggap ng lagay ng ilang mga tauhan nila

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Pinabulaanan ng pamunuan ng North Cotabato Highway Patrol Group ang mga ulat ng umano’y pagtanggap ng lagay ng ilan sa mga highway patrol personnel.

Sinabi ni North Cotabato Highway Patrol Group Head Inspector Gerry Galan na hindi sila tumatanggap ng anumang padulas at katunayan kung may mga nilalabag na batas trapiko ang mga motorist agad nilang pina-iimpound ang nasabing mga sasakyan.


Kaugnay nito, dalawang motorisklo at isang Toyota Hilux na ang nakumpiska nila sa kanilang pagpapatrol sa national highway ng probinsya.

Ang mga nasabing sasakyan ay nakaimpound na ngayon dahil sa kabiguan ng mga may-ari na makapagpakita ng kaukulang dokumento.


Aniya, sa kabila ng maliit na bilang ng kanilang mga personnel ay sinisikap nilang malibot ang buong coverage area ng North Cotabato. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento