Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-ama, patay sa nangyaring pamamaril sa Kabacan, Cotabato; 2 suspek, arestado

(Kabacan, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Patay ang mag-ama sa nangyaring pamamaril sa Sitio Cueva, Barangay Pisan, Kabacan, Cotabato alas 11:30 ng gabi nitong Miyerkules.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Randy Tero, 27, may asawa, magsasaka habang patay din ang kanyang anak na si Jefrel Tero, 2-taong gulang na bata kapwa residente ng nasabing lugar.


Ayon sa report, mahimbing na natutulog ang pamilya Tero noong gabi ng Miyerkules ng magising ang Misis ng biktima na nakilalang si Judith dahil sa may napapansin itong mga yapak ng paa sa labas ng kanilang bahay.

Nang sumilip si Judith, nakita nitong may nagliliyab na apoy sa kanilang bakuran kaya lumalabas ito.
Mabilis namang tumakbo ang mga suspek papunta sa likurang bahagi ng kanilang bahay at nagpaputok.

Nang marinig ang putok, dali-daling pumasok ng bahay nila ang misis at doon na tumambad sa kanya ang duguang mag-ama nito na wala ng buhay matapos na tamaan ng bala ng baril.

Agad namang naaresto ang mga suspek sa isinagawang pagresponde ng mga kapulisan sa lugar matapos na positibong ituro ito ni Judith.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Tony Etom at Julito Lugisan kapwa residente ng nasabing lugar at ngayon ay nasa Kabacan Lock up cell.

Inaalam pa ngayon ang motibo sa nasabing pamamaril habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento