(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2014)
---Pormal ng magsisimula ngayong araw ang Summer Peace Kids dito sa bayan ng
Kabacan na gagawin sa Kabacan Pilot Central Elementary School.
Kaugnay nito, tiniyak ni Supt. Jordine
Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang seguridad sa paligid ng venue na pagdadausan
ng nasabing aktibidad.
Katunayan may security plan na umano silang
inilatag kasama na ang militar, ang mga Barangay Peace Keeping Action Team
(BPAT) at mga tanod.
Patuloy din ang kanilang koordinasyon sa
facilitator ng nasabing aktibidad.
Inaasahang libu-libong mga grade 5 pupils sa
Kabacan ang sasailalim ngayon sa taunang Summer Kids Peace Camp na magsisimula
ngayong araw.
Ayon sa mga oraganizer ng nasabing aktibidad
kagaya ng ibang mga munisipyo, magtatagal din ng tatlong araw ang naturang
programa ng pamahalaang probinsiya sa pakikipagtulungan ng mga Department of
Education Cotabato Division, LGU at ng ilang mga Non Government organization
kagaya ng Moro P’core.
Inaasahan naman na magiging panauhing
tagapagsalita si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza sa pagbubukas ng
programa. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento