Written by: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap,
North Cotabato/ April 22, 2014) ---Magiging malaking tulong umano ang data base
na inilabas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD XII sa social
services and support programs ng Unang Distrito ng North Cotabato.
Ito ang
inihayag ng opisina ni Rep. Jesus Sacdalan matapos matanggap mula sa DSWD XII
ang Listahanan data base na mas kilala dati sa tawag na National Household
Targeting System for Poverty Reduction o NHTS- PR.
Mahalaga
umano ang Listahanan para matukoy kung sino at saan nakatira ang mga mahihirap
partikular sa PPALMA area.
Magsisilbi
rin itong gabay kung sino ang nararapat na maging benepisyaryo sa itinataguyod
na social services and support programs sa Distrito Uno.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento