Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang bayan sa North Cotabato, binisita ng mga Peace ambassadors; kampanyang “I am for Peace”, isinusulong

(Aleosan, North Cotabato/ October 30, 2012) ---Para kay Aleosan Mayor Loreto Cayaba naging malalim na ang iniwang karahasan ng mga nagdaang kaguluhan sa nasabing bayan.

Marami na umanong buhay ang nalagas at mga bahay na nasunog at nawasak dahil sa nasabing giyera sa lugar.

Ito ang sinabi ng opisyal matapos na binisita kahapon ang bayan ng Aleosan ng mga ambassadors for peace sa kanilang kampanya na “I Am for Peace” na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.

Mahigit sa 300 mga Kabataan sa Mindanao nagtipon sa Mindanao Children’s Festival sa North Cotabato


NoCot focal Person Ralph Ryan Rafael
(Amas, Kidapawan city/ October 30, 2012) ---Isinusulong ngayon ng Provincial Government ng North Cotabato ang positive discipline sa mga Kabataan at pagkilala sa bawat karapatan ng mga ito sa isinagawang tatlong araw na Children’s Festival 2012 na ginanap sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City nitong October 27-29, 2012.

Ito ang inihayag sa DXVL- Radyo ng Bayan ni North Cotabato Youth Focal Person Ralph Ryan Rafael , bilang bahagi na rin ng kanilang kampanya sa pagprotekta sa karapatan ng mga Kabataan na nagmumula sa iba’t-ibang probinsiya sa Mindanao.

Sinabi pa ng opisyal na ang nasabing aktibidad ay naging batayan nila para sa pagbalangkas ng isang ordinansa sa Sanggunian na magtataguyad sa pagwawakas ng corporal punishment sa mga kabataan at pag-promote ng Positive Dicipline.

Celebrity peace ambassadors nanguna sa outreach project sa North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/ October 30, 2012) ---Ilang mga celebrities ang inimbitahan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP sa isinagawang outreach project sa bayan ng Aleosan, North Cotabato kahapon.

Nakisaya ang mga peace ambassadors na sina Epy Quizon, Ebe Dancel na dating miyembro ng bandang “Sugarfree”, King of Popular Moro Songs Datu Khomeini at ilang miyembro ng Philippine Azkals National Football Team.

Namahagi naman ng footballs ang Azkals na tinanggap ng mga kabataan at kinatawan ng mga barangay.

“Justice on Wheels”, paglilitis ng kaso Sa loob ng bilangguan –malaking tulong ayon sa BJMP


(Amas, Kidapawan city/ October 30, 2012) ---Aminado ngayon si Jail Chief Inspector Mary Chanette Espartero na malaking tulong ang isasagawang “Justice on Wheels”, ng korte suprema sa malaking bilang ng mga bilanggo sa BJMP North Cotabato District Jail kung sakaling masimulan na ito.

Ito ang inihayag kahapon ng opisyal sa isang pulong pambalitaan sa tanggapan ng Bureau of Jail Management and Penology North Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City kasabay ng pagtatapos ng National Corrections Consciousness Week.

Ang nasabing hakbang ay deriktiba ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza sa tulong ng Provincial Legal Office.

Ang Justice on Wheels ay programa ng Korte Suprema kungsaan, dadalhin ang korte sa piitan, ibig sabihin nito, ang mga hukom ang pupunta sa mga detainees para doon didinggin ang kaso.

North Cotabato District Jail, nagdiwang ng National Corrections Consciousness Week

J/CInps Chanette Espartero
(Amas, Kidapawan City/ October 30, 2012) ---Pormal ng nagtapos kahapon ang isang linggong pagdiriwang ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP North Cotabato District Jail hinggil sa National Corrections Consciousness Week sa Amas, Kidapawan City na nagsimula nitong Oktubre 22-28, 2012.

Ayon kay Jail Chief Inspector Mary Chanette Espartero ang nasabing programa ay bilang pagtangkilik at pagkilala sa mga taong nasa bilangguan.

Aniya may mga iba’t-ibang mga aktibidad silang isinagawa kagaya ng Sports Activities sa mga detenado, feeding ng mga anak ng mga preso, legal consultation buhat sa mga imbitadong mga PAO Lawyer’s mula sa Kidapawan city, bukod pa sa mga bumisitang kinatawan ng korte suprema at mga hukom kasama ang mga personnel ng provincial legal office para alamin ang sitwasyon ng mga detenado.