Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 300 mga Kabataan sa Mindanao nagtipon sa Mindanao Children’s Festival sa North Cotabato


NoCot focal Person Ralph Ryan Rafael
(Amas, Kidapawan city/ October 30, 2012) ---Isinusulong ngayon ng Provincial Government ng North Cotabato ang positive discipline sa mga Kabataan at pagkilala sa bawat karapatan ng mga ito sa isinagawang tatlong araw na Children’s Festival 2012 na ginanap sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City nitong October 27-29, 2012.

Ito ang inihayag sa DXVL- Radyo ng Bayan ni North Cotabato Youth Focal Person Ralph Ryan Rafael , bilang bahagi na rin ng kanilang kampanya sa pagprotekta sa karapatan ng mga Kabataan na nagmumula sa iba’t-ibang probinsiya sa Mindanao.

Sinabi pa ng opisyal na ang nasabing aktibidad ay naging batayan nila para sa pagbalangkas ng isang ordinansa sa Sanggunian na magtataguyad sa pagwawakas ng corporal punishment sa mga kabataan at pag-promote ng Positive Dicipline.


Naniniwala naman si Rafael na di naman aabusuhin ng mga kabataan ang nasabing karapatan basta’t nasa tamang disiplina lamang ang gagawin ng mga magulang at tamang pagsubaybay sa mga anak nila.

Sa ngayon, bagama’t may mga kabataang nasa ilalim ng pangangalawa ng Provincial Social welfare dahil sa Juvenile Delinquency, todo naman ang ginagawang counseling ng mga namamahala ng mga kabataan sa Children’s in conflict with the Law.

Kaugnay nito, nais ng mga kabataan na maaprubahan na ang House Bill 4455 na positive discipline sa mga kabataan na ngayon ay nakabinbin pa rin sa mababang kapulungan.

Dinaluhan ng mahigit sa 300 mga kabataan mula sa iba’t-ibang organisasyon kagaya ng NaKAmata ng Davao, KAKASA-KABA ng Davao, Anak Kawagib ng cotabato, Gimuwat Young Generation Org ng Tagum City, Anak OFW, Batang Bata, Lumadnong Kabataan, 4H club Kidapawan, Pasasambao ng General Santos city, Samang Kabataan ng Ozamiz SC-SCMPO ng south cotabato, Usapang Pambata ng Kidapawan at marami pang iba.

Suportado naman ng Provincial Government ng North Cotabato ang nasabing aktibidad sa pamumuno ni Cotabato Gov. Lala Mendoza.  (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento