Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato District Jail, nagdiwang ng National Corrections Consciousness Week

J/CInps Chanette Espartero
(Amas, Kidapawan City/ October 30, 2012) ---Pormal ng nagtapos kahapon ang isang linggong pagdiriwang ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP North Cotabato District Jail hinggil sa National Corrections Consciousness Week sa Amas, Kidapawan City na nagsimula nitong Oktubre 22-28, 2012.

Ayon kay Jail Chief Inspector Mary Chanette Espartero ang nasabing programa ay bilang pagtangkilik at pagkilala sa mga taong nasa bilangguan.

Aniya may mga iba’t-ibang mga aktibidad silang isinagawa kagaya ng Sports Activities sa mga detenado, feeding ng mga anak ng mga preso, legal consultation buhat sa mga imbitadong mga PAO Lawyer’s mula sa Kidapawan city, bukod pa sa mga bumisitang kinatawan ng korte suprema at mga hukom kasama ang mga personnel ng provincial legal office para alamin ang sitwasyon ng mga detenado.

Maliban dito, may mga NGO’s din na tumulong sa BJMP na namigay ng mga gamit ng mga preso.
Lubos namang pinasalamatan ng opisyal si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza sa mahigit sa Walong daang (800) mga T-shirts na ipinamigay sa mga bilanggo at sa suporta nito sa kanilang pamunuan.


Sinabi pa ni Espartero na kulay dilaw o “yellow” ang T-shirts na ipinasusuot ng mga taga-BJMP sa kanilang detainees, dahil ito ang dress code ng kulungan nila nationwide para madaling malaman ang kanilang preso.

Sa kasalukuyan, may 808 na mga detenado ang nakakulang ngayon sa North Cotabato District Jail, 45 dito ang mga kababaihan, 2 dito mga matatanda habang 2 naman ang mga Children’s In Conflict with the Law o CICL.

Samantala, anim namang mga detenado ang may sakit na Tuberculosis TB na kasalukuyang under treatment naman ang mga ito, habang isa naman ang may malubhang sakit na nangangailangan ng Kidney transplant, na ngayon ay nananatili sa ICU, ayon pa kay Espartero.

Sa ngayon bagama’t walang banta sa seguridad ang paligid ng BJMP, nananatiling naka-alerto naman ang kanilang pamunuan.


Nakatuon naman ang selebrasyon ngayong taon ng National Corrections Consciousness Week sa temang “Tao Ma’y Nakapiit, Pagpapala’y Makakamit”. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento