(Aleosan,
North Cotabato/ October 30, 2012) ---Ilang mga celebrities ang inimbitahan ng
Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP sa isinagawang
outreach project sa bayan ng Aleosan, North Cotabato kahapon.
Nakisaya
ang mga peace ambassadors na sina Epy Quizon, Ebe Dancel na dating miyembro ng
bandang “Sugarfree”, King of Popular Moro Songs Datu Khomeini at ilang miyembro
ng Philippine Azkals National Football Team.
Namahagi
naman ng footballs ang Azkals na tinanggap ng mga kabataan at kinatawan ng mga
barangay.
Kita sa
ngiti ng mga kabataan ang kaligayan nang makisabay sa kantahan, sayawan at laro
ang mga peace ambassadors.
Ang
pagbisitang ito ng mga peace ambassadors ay bahagi ng kanilang Immersion Trip sa
conflict affected areas sa Mindanao na inorganisa ng OPAPP.
Kaugnay
nito ay inilunsad din kahapon ang I am for Peace Campaign sa Aleosan na humihikayat
sa bawat isang bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan.
Pinasalamatan
naman ni PAMANA Communications Group Director Polly Cunanan ang mga kabataan at
magulang na dumalo sa nabanggit na programa.
Kabilang sa
mga sumuporta sa nabanggit na outreach project ang Opisina ni North Cotabato
First District Cong. Jesus “Susing” Sacdalan, Armed Forces of the Philippines 6th
Infantry Division, GPH- MILF Joint Coordinating Committee on Cessation of
Hostilities, International Monitoring Team, Provincial Government of Cotabato,
LGU- Aleosan, Embassy of the Republic of Korea- Korean Cultural Center, Korea
Sports Promotion Foundation, Korea Council of Sports at iba pang civil society
organizations. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento