Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang bayan sa North Cotabato, binisita ng mga Peace ambassadors; kampanyang “I am for Peace”, isinusulong

(Aleosan, North Cotabato/ October 30, 2012) ---Para kay Aleosan Mayor Loreto Cayaba naging malalim na ang iniwang karahasan ng mga nagdaang kaguluhan sa nasabing bayan.


Marami na umanong buhay ang nalagas at mga bahay na nasunog at nawasak dahil sa nasabing giyera sa lugar.

Ito ang sinabi ng opisyal matapos na binisita kahapon ang bayan ng Aleosan ng mga ambassadors for peace sa kanilang kampanya na “I Am for Peace” na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.

Ayon sa punong ehekutibo, ang bayan ng Aleosan ang tinaguriang lugar ng mga ILAGA dahil 65% dito ay mga Ilonggo, 25% ang mga Muslim at ang natitira ay mga Lumad.

Tinukoy pa nito na simula pa noong dekada 70’ kungsaan bata pa ang alkalde ay may mga nagaganap na giyera kungsaan mismo ang opisyal ay saksi sa nasabing kaguluhan at ang pinakahuli dito ay noong 2008 kungsaan marami ang nagsilikas.

Kaugnay nito, isa ang bayan ng Aleosan sa mga  benepisyaryo ng Pamana program ng pamahalaan para sa mga IDP’s.

Nais din nito na ipaliwanag muna sa mga nasasakupan nito kung anu ang nilalaman ng Framework Agreement na nilagdaan ng Pangulo sa pagitan ng MILF at GPH.

Tatlo namang mga barangay ang natukoy nito na nagboto ng YES sa referendum noong 2001, ito ay ang: Lower Minggading, Dungguan at Takudok kungsaan karamihan sa mga residente sa nabanggit na lugar ay MILF.

Posibleng madagdagan pa ito sakaling matutuloy ang plebisito sa nasabing framework agreement.
Pero kung anu ang gagawin sa mga nagpasakop sa Bangsamoro na brgy, wala pang kaukulang detalye ang alkalde. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento