Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Oplan SUMVAC 2015 kasado na ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO para sa paghahanda sa Semana Santa

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 27, 2015) ---Kasado na ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang Oplan SUMVAC 2015 para sa paghahanda sa Semana Santa.

Sa panayam ng DXVL news kay PSI Ramil Hojilia chief provincial operation branch ng CPPO inihayag ng opisyal na nagbigay umano ng direktiba si Police Provincial Director P/SSupt. Danilo Peralta sa mga hepe ng kapulisan na mas paigtingin ang siguridad sa Semana Santa.

COTELCO inulan ng batikos matapos ang narasang Brownouts sa kanilang service area sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ March 30, 2015) ---Samu’t saring reaksyon at pagbatikos mula sa mga tagapakinig ang ipinadala sa himpilan matapos ang naranasang brown out nitong Biyernes.

Ayon sa isang di nagpakilalang concern citizen na mismong personal na tumungo sa hinpilan ng DXVL News, tahasan nitong sinabi na meroon umanong kakulangan sa episyenteng pamamahala ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.

“Kaligtasan sa sunog alamin, gawin at isabuhay” panawagan ng BFP Kabacan sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2015) ---Muling nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Kabacan Bureau of Fire Protection sa publiko na mag-ingat sa sunog.

Ginawa ni Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang pahayag sa DXVL News kasabay ng pagtatapos ng selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong araw.

Kabacan PNP, nananatiling naka-heightened sa selebrasyon ng Semana Santa

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2015) ---Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Kabacan PNP ang seguridad ng mamamayan kaugnay sa selebrasyon ng Semana Santa.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie Cordero, ang OIC Chief of Police ng Kabacan PNP kasabay ng paglalatag nila ng mga security measures sa iba’t-ibang mga lugar sa bayan.

Kaso inihahanda na para sa suspek na nagnakaw ng motorsiklo ng isang TMU personnel

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2015) ---Kasalukuyan ng inihahanda ang kaso para isang suspek na nagnakaw ng motorsiklo ng isang TMU personnel.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Norhan Uban, 18 anyos, binata at residente ng Brgy.Limbalod Datu Montawal, Maguindanao.

Pursuit operation para sa mga natirang BIFF patuloy pa rin ayon sa Militar

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2015) ---Patuloy pa rin ang pursuit operation para sa mga natitirang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF. 

Ito ang inihayag ni 6ID spokesperson Cpt. Joan Petinglay sa panayam ng DXVL news.

Aniya, patuloy na tutugisin ang mga natirang myembro ng BIFF dahil ang mga ito ay lawless elements at may mga warrant of arrest.

Magpet PNP, naghahanda kaugnay sa papalapit na anibersaryo ng NPA

(Magpet, North Cotabato/ March 30, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang paghahanda ng Magpet PNP sa kanilang nasasakupan kaugnay sa anibersaryo ng New People’s Army (NPA).

Ito ayon kay PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP sa panayam ng DXVL News, patuloy umano ang kanilang pagsasagawa ng monitoring, visibility patrol at pati narin ang checkpoints na kanilang ginagawa sa mga strategic areas sa lugar.