By: Christine
Limos
(Kabacan, North Cotabato/ March 27,
2015) ---Kasado na ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang Oplan SUMVAC
2015 para sa paghahanda sa Semana Santa.
Sa panayam ng DXVL news kay PSI Ramil
Hojilia chief provincial operation branch ng CPPO inihayag ng opisyal na
nagbigay umano ng direktiba si Police Provincial Director P/SSupt. Danilo
Peralta sa mga hepe ng kapulisan na mas paigtingin ang siguridad sa Semana
Santa.
Aniya, taon taon ay ginagawa ang
Oplan SUMVAC o Summer Vacation at lahat
ng aktibidades ay tinututukan lalo na ang mga graduation at Semana Santa.
Dagdag pa ng opisyal na nagbibigay
sila ng tulong sa mga turista na nagbabakasyon at umuuwi sa probinsiya sa
pamamagitan ng paglalagay ng motor assistance center at police assistance
center sa simbahan at public terminal.
Inihayag din ng opisyal na magagamit
ang mobile patrol na naka base sa CPPO.
Samantala, ipinaliwanag ng opisyal na
naka full alert status ang kapulisan at lahat ng PNP personnel ay 100 percent
intact sa kanya-kanyang police station at ang mga ito at hindi maaaring mag
leave sa panahon ng Semana Santa. Nagbigay din ng paalala si PSI Hojilia sa mga
mamamayan na huwag iwanan ang bahay na hindi naka-lock upang makaiwas sa mga
masasamang loob.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento