Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magpet PNP, naghahanda kaugnay sa papalapit na anibersaryo ng NPA

(Magpet, North Cotabato/ March 30, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang paghahanda ng Magpet PNP sa kanilang nasasakupan kaugnay sa anibersaryo ng New People’s Army (NPA).

Ito ayon kay PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP sa panayam ng DXVL News, patuloy umano ang kanilang pagsasagawa ng monitoring, visibility patrol at pati narin ang checkpoints na kanilang ginagawa sa mga strategic areas sa lugar.


Anya, kumpirmado umano ang presensiya ng mga makakaliwang grupo sa lugar basi narin sa mga impormasyong ipinaabot sa kanila ng kasundaluha at mga sibilyan.

Samantala, patuloy parin umano ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa pananambang sa dalawang sundalo kung saan ay nagresulta sa pagkalagas ng isa sa mga ito.

Ito makaraang pinagbabaril ng mga rebelde ang dalang sundalo na punta sanang Brgy. Basak mula sa Brgy. Temporan sa bayan ng magpet upang magsagawa ng Peace and Development Outreach Program (PDOP) ang mga ito.

Kinilala ang namatay na si Corporal Ricardo Paghubasan na binaril sa ulo, habang sugatan naman ang kasamahan niyang si Corporal Eric Dimapitan na pawang mga miyembro ng 57th Infantry Battalion ang mga biktima.

Dagdag pa ng opisyal na patuloy pa ang kanilang paghahanap ng mga possibleng tatayong witnesses sa pananambang. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento