By: Christine Limos
(Kabacan, North
Cotabato/ March 31, 2015) ---Kasalukuyan ng inihahanda ang kaso para isang
suspek na nagnakaw ng motorsiklo ng isang TMU personnel.
Kinilala ng Kabacan
PNP ang suspek na si Norhan Uban, 18 anyos, binata at residente ng
Brgy.Limbalod Datu Montawal, Maguindanao.
Sa panayam ng DXVL
news, inihayag ni PSI Ronie Cordero hepe ng Kabacan PNP na alas dose y medya
kahapon ng tanghali nang makatanggap ang otoridad ng report na may tinangay na
motorsiklo sa Kabacan public market na pagmamay-ari ni Abdul Ugay, 54 anyos,
isang TMU personnel at residente ng crossing Liton Brgy. Kayaga, Kabacan
Cotabato.
Sa hiwalay na
panayam ng DXVL news kay Ugay, ipinarada lamang umano niya ang kanyang
motorsiklo na Kawasaki HD III, kulay asul may plakang MW 8393 sa dry goods
section ng public market at pagkaraan ng ilang sandali ay nawala na ang
motorsiklo nito.
Sa pinagsanib na
pwersa ng Kabacan PNP at ng kasundaluhan ay nahuli ang suspek malapit sa
detachment sa Brgy. Malabuaya, Kabacan Cotabato.
Samantala, inihayag
ni PSI Cordero na may counter measures na silang planong ipapatupad sa public
market na magkaroon ng designated parking area ng mga motorsiklo sa public
market na may control number upang maiwasan ang nakawan ng motorsiklo.
Ang
naturang parking area ay babantayan ng mga TMU personnel at PBAT.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento