Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Kaligtasan sa sunog alamin, gawin at isabuhay” panawagan ng BFP Kabacan sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2015) ---Muling nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Kabacan Bureau of Fire Protection sa publiko na mag-ingat sa sunog.

Ginawa ni Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang pahayag sa DXVL News kasabay ng pagtatapos ng selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong araw.

Aniya ang mga simpleng bagay na nakakaligtaan madalas nagsisimula ang kapahamakan.

Dagdag pa nito na ang malaking sunog ay nagmumula sa maliit pero kaya umano itong maiwasan kung mag-ingat lang ang bawat isa sa sunog.

Giit pa ni Guiamalon na ang kaligtasan sa sunog dapat na alamin, gawin at isabuhay upang walang sakunang mangyayari.

Kaugnay nito, bilang bahagi ng kanilang programa ay isinagawa naman ang Takbo Laban sa Sunog at Sakuna o Tennarayan 2015 sa Munisipyo ng Kabacan.

Katuwang ng BFP Kabacan sa nasabing aktibidad ang LGU Kabacan, USM, PNP Kabacan, Kabacan Water District, Brgy. Poblacion at ang inyong DXVL Radyo ng Bayan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento