Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP, nananatiling naka-heightened sa selebrasyon ng Semana Santa

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2015) ---Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Kabacan PNP ang seguridad ng mamamayan kaugnay sa selebrasyon ng Semana Santa.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie Cordero, ang OIC Chief of Police ng Kabacan PNP kasabay ng paglalatag nila ng mga security measures sa iba’t-ibang mga lugar sa bayan.

Ayon pa sa opisyal na simula sa Huwebes Santo hanggang sa Linggo ng pagkabuhay ay magdadagdagng pwersa ang mga kapulisan sa mga simbahan at mga matataong lugar sa bayan.

Bukod dito, ipapakalat din sa mga terminal at mga pagdausan ng selebrasyon ng semana santa ang mga Traffic Management Unit Personnel o TRMU, BPAT kasama na ang mga militar.

Sinabi ni Cordero na karaniwan ng nagsasamantala ang mga kawatan kapag walang tao ang mga tahanan na pinapasok ng mga ito kaya mahalaga na may maiwang tao ang mga bahay at naka lock ang mga ito kung walang tao.
Panatilihin ang pagiging vigilante, tiyakin ding naka sirado ang pintuan bago matulog kung gabi, ipasok din sa loob ng bahay ang mga mahahalagang gamit kagaya ng motorsiklo at dapat din na may ilaw sa labas ng bahay kung gabi.


Payo pa ni PSI Cordero na putulin ang mgan sanga ng punong kahoy na malapit sa bahay bakod kasi kalimitan itong ginagamit ng mga magnanakaw na hagdanan papasok sa mga bahay na bibiktimahin ng mga ito. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento