Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pursuit operation para sa mga natirang BIFF patuloy pa rin ayon sa Militar

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2015) ---Patuloy pa rin ang pursuit operation para sa mga natitirang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF. 

Ito ang inihayag ni 6ID spokesperson Cpt. Joan Petinglay sa panayam ng DXVL news.

Aniya, patuloy na tutugisin ang mga natirang myembro ng BIFF dahil ang mga ito ay lawless elements at may mga warrant of arrest.

Dagdag pa ng opisyal na ang mga bilang ng nasawi ay 150 at ang sugatan ay nasa limampu sa myembro ng BIFF ngunit ang mga ito ay estimated lamang kung kaya’t hindi masabi na wala ng BIFF.

Ang engkwentro umano ng nakaraang araw ay patunay na may mga natitira pang BIFF na naka kalat sa area.

Inihayag din ng opisyal na naka red alert ang mga kasundaluhan ngayong Semana Santa at handa maglingkod sa mga nangangailangan.

Samantala kinumpirma ni Cpt. Joan Petinglay na 4 ang naiulat na namatay at 2 ang sugatan sa hanay ng militar ngunit hindi muna pinangalanan ng opisyal ang mga nasawi upang pagsunod sa protocol na mas maunang maka alam ang mga pamilya ng mga nasawing sundalo. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento