(Kabacan, North Cotabato/ March 30,
2015) ---Samu’t saring reaksyon at pagbatikos mula sa mga tagapakinig ang
ipinadala sa himpilan matapos ang naranasang brown out nitong Biyernes.
Ayon sa isang di nagpakilalang
concern citizen na mismong personal na tumungo sa hinpilan ng DXVL News,
tahasan nitong sinabi na meroon umanong kakulangan sa episyenteng pamamahala
ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.
Anya, dapat umano ay naghanda ng mga
alternatibo ang pamunuan ilang buwan pa lang bago nagsimula ang drought season
at di nito magawang akuin ang pagkakamali nito hinggil sa nararanasang power
shortage sa kanilang nasasakupan.
Giit pa niya na ang mga itinalagang
Board of Directors ng pamunuan ang siya umanong dapat na magrepresenta sa mga
member consumers nito ngunit ginagawa nga ng mga ito ng seryoso ang trabaho ng
mga ito.
Samantala, sa hiwalay naman na
panayam kay COTELCO Spokesperson Vincent Baguio sa panayam ng DXVL News,
ipinaliwanag nito na ang kanilang ipinatupad na power interruptions sa kanilang
Service Area ay bunga ng kakulangan ng supply ng kuryinte hindi lamang sa area
ng COTELCO kundi sa buong Mindanao.
Anya, ang pangunahing rason umano
nito ay dahil sa mababang lebel ng tubig sa mga Hydro Electric Power Plants sa
Mindanao dahilan upang kulangin ang produksiyon ng supply ng kuryinte na
naibibigay nito sa mga Distributive Utilities nito kagaya ng COTELCO.
Sa kasalukuyan umano ay nasa 52% na
supply ng kuryinte sa buong Mindanao ay nangngagaling sa Hydro Electric
Powerplants.
Dagdag pa ng opisyal na ang
nangyayaring power interruption sa service area ng Cotelco ay nakadepende umano
sa load profile na kung saan ay ang
Lalawigan ng North Cotabato at may kabuuang 19 Feeders na nashutdown na siyang
dahilan ng 1 oras na rotational browt-out sa lalawigan, at kung sakaling
hihinge pa ng karagdagang pagdadrop ng load ang NGCP ay magkakaroon ng round 2
na load curtailment ang ibang feathers at magiging dahilan umano ng isang na
namang isang oras na browt out na naging dahilan ng pagpatay sindi ng kanilang
serbisyo noong nakaraang araw ng Biyernes. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento